(Pag ganito yung font it means flashback)
4 years ago...
Tahimik na nagmamaneho ang kanilang driver habang si Dara ay tahimik din na nagbabasa ng news tungkol sakanya. Nakakalungkot isipin na marami ang may ayaw sa kanya dahil daw wala naman talaga siyang talento. Maganda lang daw siya pero di marunong kumanta o sumayaw. Pero syempre di talaga mawawala ang mga haters sa mundo diba? At nandiyan sila para mas maging isa kang matatag na tao.
Biglang nag-vibrate yung phone niya at lumabas yung mukha ng boyfriend nito. Napangiti si Dara at dali daling sinagot yung tawag.
"Hello?"
"Hi babe." Lalong bumilis yung tibok ng puso niya dahil sa endearment nito sa kanya. Iba ang tawag sa kanya ni Dara. She calls him by his nickname. Nababaduyan kasi sa babe.
"Hi Dobi. Napatawag ka?"
"I have a surprise for you. Punta ka sa Seoul Park." Na-excite naman si Dara bigla dahil may surprise kuno para sa kanya. Inaalala niya kung anong meron para magpasurprise siya.
"Dobi, di naman natin monthsary diba?"
"Nope."
"Eh para saan yung surprise mo?" Natatawa niyang tanong.
"Surprise nga. So if you wanna know the surprise pumunta ka na."
"Alright. On the way na ako.""Saranghae. See you." Pagkatapos ay in-end call na niya.
"Manong, sa Seoul Park po." Tumango naman yung driver
Ano kayang meron?
Chanyeol
"We're here." Tumingin ako sa tapat na bahay na pinaghintuan namin. Malaki ang bahay. Dorm nila to? Yaman ng YG talaga.
"Nakita mo na kaya okay na." Magsisimula na sana ulit siyang magmaneho pero pinigilan ko siya.
"Hyung, kahit 30 minutes lang. Please hyung, hayaan mo muna akong kausapin siya." Ilang minuto rin siyang nag-isip bago tumango.
Nangako ako sa kanya na pupuntahan namin yung dorm pero di ako manggugulo. Pero di ko mapigilan ang sarili ko.
"Alright. Wala talagang makakapigil sayo pagdating kay noona. Mahal mo parin talaga siya no?"
"Hindi naman nagbago yung nararamdaman ko para sa kanya. Mahal na mahal ko siya hyung. Kaya di ako susuko sa kanya."
"Tss. Ang drama mo na naman tenga. Sige na, hanapin mo na sa loob si noona. Kung nandun siya." Lumabas na ako ng kotse at pumunta sa harap ng napakalaking gate. Pinindot ko yung doorbell at naghintay na may magbukas nun. Narinig ko ang pagsara ng kotse at nakitang naglalakad papunta sakin si hyung.
"Sasamahan na kita. Baka mamatay ka sa kaba." I smiled.
Dara
*ding dong*
"Dara may nag-doorbell! Sagutin mo!" Ugh ang malas. Ayoko ng nagbubukas ng pinto eh o ng gate. Nakakatamad. Hehe joke lang.