A

292 20 2
                                    

5 years ago...





























Papunta na ako sa restaurant na kakainan namin. Galing ako sa shooting ng bago kong movie. Pinasok ko na rin ang mundo ng pag-aarte dahil sa marunong daw ako sa larangan na yun.


Pagpasok ko sa kainan, agad akong inasikaso ng mga waiter papunta sa designated table namin. Buti nalang at may V.I.P room dito kaya makakakain kami nang walang manggugulo sa amin ng pamilya ko. Kaso, kasama to sa episode ng WGM kaya may isang camera sa tabi namin.


"Ang ganda!" Natutuwang komento ni Chandria nang ilapag ang mga pagkain na makukulay kaya ang gandang tingnan. Parang ayaw ko tuloy galawin.


"So jagi, kamusta ang shooting mo?" Tanong ni Dara jagiya sakin. Simula nung kasal namin, napagsang-ayunan naming dalawa na jagi o jagiya ang itawag sa isa't-isa para mas nakakakilig sa mga nanonood.


"Medyo mahirap pala umarte. Minsan nakakalimutan ko yung lines ko. Nakakahiya na nga sa co-actors ko kasi nakakailang take kami dahil sakin." Natatawa kong sabi habang nagkakamot ng ulo.


Nakakalimutan ko minsan mga lines ko dahil kinakabahan ako. Kaya kanina naka-apat kami na take sa isang scene lang. Siguro nga napikon na yung director sakin eh. Kaya gagalingan ko sa susunod na shooting.


"Aigoo. Matanda ka na ba kaya makakalimutin ka?" Piningot niya yung ilong ko kaya ginulo ko naman ang buhok niya.


"Eomma, appa, kain na po tayo!"
Tapos maya-maya umalis na yung nag-cacamera samin. Nagpatuloy naman kaming kumain at nagkwentuhan tungkol sa araw namin ngayon.


Hanggang sa biglang may dumating na babaeng biglang sinabunutan ang asawa ko.


"OMG! ANG LANDI MO! LUMAYO KA SA CHANYEOL KO! DI KAYO BAGAY PWE!"


Agad ko naman siyang inawat at nagsidatingan na rin yung security. Kita ko naman na galit na talaga si jagi nang bitawan siya nung baliw na babae.


"Hindi ka naman maganda so shut up ka nalang." Naiinis na sabi niya rito dahilan kaya napangisi ako. Kapag napikon na talaga lumalabas ang pagka-tigre niya.


Nalaman agad syempre ng YG at SM ang nangyari dahil nandito ang ilang staff ng production ng program namin. Hindi na raw kami babalik dito dahil baka maulit ang ayaw na naming maulit, ang masugod ng mga sasaeng. Dahil pati si Chandria naaapektuhan na rin.


Simula kasi nang ipalabas ang WGM, unang episode, dumami ang haters namin. Lalong nagwala ang mga sasaeng. Ang daming nagbanta sa buhay ni Dara lalo na kay Chandria. Kaya natatakot ako na baka saktan nila ang mag-ina ko. Pero kalaunan, mga sasaeng din pala ang mga haters namin na gustong pabagsakin si Dara at ipatigil ang palabas. Buti nalang at mas marami parin ang sumusuporta dahilan para ituloy namin ang palabas.


Pero hindi lang talaga palabas ang pinapakita namin sa WGM. Kadalasan, totoo na.


"Nakakainis talaga yung babaeng yun! Tinawag ba naman akong malandi? Dapat hinayaan niyo na akong sabunutan siya!" Pagmamaktol niya hanggang sa makasakay na kami ng kotse. Ako na nga ang naglagay ng seatbelt niya dahil dakdak parin siya ng dakdak tungkol dun sa nangyari kanina.

"Eomma, hayaan nalang po natin yung babae. Mas maganda ka parin po sa kanya."


"Tama!" Silang dalawa talaga, they always got each other's back.


Dahil ayaw pa nilang umuwi dinala ko sila sa isang amusement park. Para naman malibang libang din si Chandria dahil ngayon lang kami mag-bobonding ulit na mag-pamilya.


You WERE mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon