Chapter 13: Auction Game Part 2

72 6 0
                                    



Raine's POV,



"Okay, ang saya naman nun. Let's move on to our second item. Our second item is Kieth Villarde."



Nabigla naman ako ng magsalita ulit si Maureen at tinawag niya yung pangalan ni Kieth.



Sunod namang umeksena si Blake at Jace na dala si Kieth papunta sa stage.



"What the hell is this?"



Inis na tanong ni Kieth.



"Kieth naman wag kang KJ si Chad nga nakisali eh ikaw pa kaya. Kaya wag ka nang umangal ah. Para naman masaya tayo."



Paliwanag naman sa kanya ni Maureen.



"You're insane."



Inis na sabi niya.



"Kung hindi kami insane hindi sasaya ang party. Kaya wag ka ng umangal binibigyan ka na nga namin ng unforgettable birthday party."



Protesta ulit ni Maureen kaya wala ng nagawa si Kieth kung hindi pumayag nalang.



'So ginamit pala nila si Chad para mapilit si Kieth. Ang talino naman talaga nilang magkakaibigan.'



Pagkausap ko naman sa sarili ko. Ako ata yung baliw eh.



"Okay, let's start the bidding. Kieth's kiss on lips will be the item."



Masiglang sabi ni Maureen at pumunta naman sa tabi ko sina Blake at Jace.



Wow, ang interesting naman ata nun.



"Ten thousand."



Sigaw ng isang babae.



"Fifteen thousand."



Sigaw naman nung isa pa.



Wow lang as in wow talaga.



Umpisa pa nga lang ng bidding pero sobra ng mahal yung bidding.



"Eighteen Thousand."



"Twenty Thousand"



"Twenty four thousand."



Sigaw pa din nung mga babae.



"Twenty four thousand is the highest bid. May tataas pa ba yun?"



"Thirty two thousand."



"Forty thousand."



Pagbid pa ng mga tao. Halata naman talagang lahat ay gustong makuha yung kiss ni Kieth mas sobrang intense pa talaga yung labanan.



"Jam magbid ka."



Utos ko kay Jam at ngumiti naman siya.



"Fifty Thousand."



Sigaw ni Jam at napangiti naman ako dun.



"Kaya love kita bestfriend eh."



Nakangiting sabi ko sa kanya.



"Fifty-five thousand."



Pagtaas pa nung isa.



"Seventy thousand."



"Eighty thousand"



"Ninety Thousand."



"Ninety thousand on the floor may tatas pa bang bid?"



Tanong ulit ni Maureen.



"One hundred fifty thousand."



Nagulat ako ng sumigaw si Mitch.

The GoodGuy meets the BadchickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon