Raine's POV,
"O, Kamusta naman yung paghatid sayo ng Prince Charming mo kagabi? Hindi ka ba nagising sa halik niya?"
Tanong sakin ni Jam. Naglalakad kami sa hallway at kakatapos lang ng klase namin. Kinukwento niya kasi sakin yung nangyari kagabi at siyempre tuwang-tuwa naman yung lola niyo. Late pa nga ako sa subject ko dahil sa hung over pero nung nabasa ko yung text sakin kagabi ni Jam na si Kieth daw yung naghatid sakin kagabi ay ginanahan ako. Nawala agad hung over ko.
"As if naman gagalawin ako nun. Parang ngang nandidiri na yun dumapo lang balat ko dun. Pero, thank you talaga besty. Atleast nahatid niya ako. Kaso nga lang hindi ko mafeel kasi nga tulog ako."
Tuwang-tuwang sabi ko naman. Siyempre crush ko yun nuh. Mas lalo ko pa siyang nagugustohan dahil ang sarap niyang asarin. Pikon na pikon talaga siya sakin. Hindi talaga obvious na hate na hate niya ako.
"Ayun sa research ko hindi pa siya nagkakagirlfriend kahit maraming nagkakagusto sa kanya. Babae na ngang nanliligaw. Pero napag-alaman ko ding nagta-trabaho siya sa office kung walang pasok kasi nga yun ang gusto ng mommy niya for him."
Kwento naman niya sakin. Hindi kasi masyadong open yung buhay ni Kieth school. masyado nga siyang mysterious at yung alam lang namin is yung dad niya patay na at mayaman sila tsaka may business.
"Ahh kaya pala ganun yun. Infairness nakakabilib siya ah. Mas lalo ko pa siyang nagugustohan. Thank you pala besty sa research. Ang galing mo talaga."
Niyakap ko naman siya sa sobrang tuwa. Ang galing talaga ng bestfriend ko.
"Ako pa. Basta sa kalokohan mo number one fan ako."
Pagmamalaki naman niya.
Naiba naman yung mukha ko ng may nakita akong mga tao papunta sa school ground at parang may pinagkakaguluhan sila doon.
"Anu kaya yun?"
Tanong ko kay Jam.
"Malay ko."
Kibit-balikat na sabi niya.
"Tignan natin."
Yaya ko sa kanya at pumunta kami sa mga nagkukumpulang tao.
Nakisingit kami sa dami ng mga babae at baklang nandoon.
Nabigla naman ako ng makita ko si Bryan may hawak na bulaklak at sa leeg niya may nakasabit. May mga back up pa siya na hindi ko alam kung saan niya napulot.
Tapos nakawak pa sila ng cardboard na tig-isa isa sila ng words.
I'm sorry Raine. I love you babe ko.
At nakokornihan ako.
Alam mo bang may gusto akong sabihin sayo
Magmula ng makita ka'y naakit ako
Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko
Ang pangarap ko
Ang pangarap ko.
Kaya sana maibigan mo
Ang awit kong ito para sayo
Dahil simple lang ang pangarap ko.
Mahalin ang katulad mo
Sana ay mapansin mo.
Dahil simple lang ang pangarap ko.
Maging ikaw at ako
Ang tanging ligaya ko.
Simpleng tulad mo.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o mabwibwisit sa kanta ni Bryan.
Ang corni kasi talaga niya.
At yung kanta niya sobrang laugh trip.
Tapos may arti pa siyang ginawa.
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Roman pour AdolescentsThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...
