Chapter 41: My Brokehearted Brother

58 3 0
                                        


Kieth's POV,



"Goodevening sir."



Bati ng maid sakin nung pumasok ako sa bahay.



It's 11 pm at kakadating ko lang galing Canada.



"Si Matt?"



Tanong ko sa kanya at kinuha naman niya yung bag ko na dala.



"Asa kwarto po kuya."



Sagot ni Mildred.



"How was he?"



Tanong ko ulit habang papunta sa kwarto ni Matt to check him.



"Sir ayaw pong kumain. Tapos sa school wala po siya sa mood. Ni hindi nga po makafocus sa activities nila at hindi po siya nagpa-participate. Pinauwi nga siya ng teacher niya kaya po tinawagan ko na kayo."



Kwento niya na parang taranta.



"Anu bang nangyari?"



"Ewan ko nga po kuya. Nagkaganyan lang naman siya nitong umaga bago kami makarating sa school."



"Bakit naman?"



Takang-tanong ko at tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya.



"Siguro po kuya na heart broken siya."



"Heart broken?"



Ulit ko sa pagkagulat sa sinabi niya.



"Upo kuya. Kasi po may nakilala siyang babae na kasing edad niyo po at sa school niyo din nag-aaral. Tuwing nadadaanan namin siya at nakikita siya ni Matt na naglalakad inaalok siya ni Matt na ihatid."



Mas kinabigla ko yung salaysay niya.



"Huh? Totoo ba yan?"



"Opo Kuya. Tanongin niyo pa po si Bert. Gustong-gusto kasi ni Matt yung tinatawag niyang Lois Lane at sinabihan pa niya itong antayin siya kasi pag lumaki si Matt papakasalan na siya."



Dugtong pa niya at nagulat ako sa sinabi niya. My brother is really inlove.



"Nagkaganyan na siya agad?"



"Eh kasi po tinanong niya yung babae kung may boyfriend na ito tapos sumagot ng oo. Mabait naman po kasi yung babae at cute. Tapos bigla pong nagtampos si Matt. Naging ganyan na siya buong araw."



"I'll talk to him. Sige na, magpahinga ka na."



Sabi ko saka pumasok ng kwarto ni Matt.



Umupo naman ako sa kama niya.



Inayos ko yung kumot niya.



"Kuya."



Tawag niya sakin saka niya iminulat yung mata niya.



"I'm here."



Sabi ko saka hinalikan yung no-o niya.



Bigla naman siyang bumangon at yumakap sakin.



"Kuya. huhuhuhu"



Biglang iyak niya at hinarap ko naman siya.



"What happened who hurt you?"



Usisa ko sa kanya. Kasi sobra yung iyak niya.



"My Lois Lane already have a boyfriend."



Naiiyak na sabi niya at hinagod ko yung likod niya.



"Shhhhhh"



Pagpapatahan ko sa kanya.

The GoodGuy meets the BadchickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon