Chapter 34: Officially in a Relationship

73 4 0
                                        


Raine's POV,



Hinanap ko si Jam kung saan-saan hanggang sa forest sinundan ko siya pero hindi ko siya nakita.



Buong araw ko siyang hindi nakita. Kahit sa plaza o kung saan man na pwede ko siyang mahanap wala siya.



Napaluhod ako sa pagod at depress. Nakaharap ako sa lake.



Hindi ko din namalayan na tumulo napala yung luha ko.



Wala na ako ngayong bestfriend na sasabihan ko ng sama ng loob ko.



Wala na yung bestfriend kong umiintindi sakin.



Bigla namang may kamay na hawak ang isang panyo sa harapan ko.



Hindi ko kinuha yung panyo. Tumingala ako at tiningnan ko kung sino ang umabot nun.



Nagulat ako nang makita ko si Kieth.



Tiningnan ko lang siya ng nagtataka.



Bumaba naman siya at pinantayan ako.



Nagulat ako nung bigla niya nalang pahidan yung luha ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya yun.



"Give me your hand."



Sabi niya at nagtaka naman ako.



Hindi ako nagresponse hanggang sa siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at hinawakan niya yun.



Hinila naman niya ako patayo.



"Trust me, I'll never let go of this hand."



Mas kinagulat ko yung sinabi niya.



Parang hindi ako makapaniwala. Siya mismo ang lumapit sakin at sinabi pa niya yun.



Totoo ba to? Parang panaginip lang.



Naglakad siya at hila naman niya ako.



Dinala niya ako sa lugar sa bench kung saan kami laging nagkakasama.



Umupo siya at ganun din yung ginawa ko.



"Now tell me what you want."



Sabi niya at tiningnan ko siya ng kunot-noo.



"Just tell me what you feel."



Seryosong sabi niya. Napatingin naman ako sa lake.



"Alam ko, nasaktan ko siya. Sobra-sobra naman kasi yung ginawa ko talaga. She cared for me, she became my family for the past 5 years yet eto ang igaganti ko sa kanya. Ang kasinungalingan. I deserve her cold treatment."



Naiiyak na kwento ko sa kanya.



He reach my face at hinarap ito sa kanya and again he wipe my tears.



"Everytime you cry, I'll wipe it."



Sabi niya at bahagyang ngumiti. Bumilis naman yung tibok ng puso ko.



Bigla ko namang binawi yung mukha ko at tumingin ulit sa lake.



"Hindi ka ba nagagalit sakin? Hindi mo ba ako i-jujudge?"



Out of the blue na tanong ko sa kanya.



"Kapag magalit ako sayo. Sa tingin mo, sino ang dadamay sayo?"



Natigilan ako sa sinabi niya.



"I'm not judgemental like them. Bakit naman ako magagalit sa isang tao na wala namang ginawang masama sakin? You didn't ruined my life."

The GoodGuy meets the BadchickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon