Chapter 25: Si Kuyang Holdupper

65 5 0
                                    



Raine's POV,



"Hi! Alone?"



Tanong ng isang boses lalaki.



Nung tumingala ako para makita ang mukha niya ay hindi ko naman siya kilala. May hawak siyang tray ng pagkain.



Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain ng aking noodles.



Nilapag naman niya yung tray niya sa table ko at umupo sa bakanteng silya sa tabi ko. Round table kasi na may paying yung pwesto ko sa terrace.



"Noodles? Di ba unhealthy yan?"



Pagpansin niya sa kinakain ko. May pagkapakialamero din pala to.



Tinignan ko siya ng diretso.



"I'm just concern."



Excuse niya at ngumiti.



'Infairnes gwapo din siya ah. Matangkad, maputi, may dimple sa cheeks. Mukha siyang manly na cute.'



Sabi ng isang utak ko

.

'Kaya lang loyal pa din ako kay Kieth. Siya pa din ang pinakagwapong lalaki sa paningin ko.'



Sagot naman ng kaliwa.



Hay, nababaliw na nga talaga ako.



"Hi, I'm Dainiel, May I know your name?"



Pagpapakilala niya sabay extend ng hands niya para makipag kamay.



Hindi naman siya harmful. Mukha namang maamo yung mukha niya.



Sige na nga lang, mas mabuting maging friendly.



"Raine."



Pagpapakilala ko at nakipagshake hands sa kanya. Ngumiti naman siya at ako naman napangiti din ng bahagya.



"Sabi ng isang libro the best moments happens under the rain."



Out of the blue na sabi niya.



"Tears and pain can be hide under the rain."



Dugtong ko pa.



"Nabasa mo din pala yun?"



Amaze na amaze na tanong niya.



"Oo, mukha lang akong bobo pero nagbabasa din ako."



Natawa naman siya sa sinabi ko.



"O, bakit natatawa ka?"



"Wala lang. Nakakaenjoy ka din pala kausap."



Natahimik naman ako sa sinabi niya.



May pagkabaliw din kasi siya.



"Actually, hindi naman talaga ako mahilig sa libro ni wala nga akong intensyon buklatin yun. Pero may isang taong sobrang hilig sa libro."



Pagkukwento ko sa kanya na parang lutang. Na-iimagine ko tuloy si Kieth at sa tuwing sinusungitan niya ako.



"Hinihiram ko yung kakasuli lang niya. Kasi feeling ko naghoholding hands kami sa tuwing hinahawakan ko yung librong hinahawakan din niya. Nacurious ako kung bakit niya binabasa. At nalaman kong realities about life pala yun."



Dagdag ko pa. Nagha-heart na naman yung mata ko sa tuwing naaalala ko si Kieth.



"Seems that you're so inlove. Deeply inlove with him."

The GoodGuy meets the BadchickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon