Raine's POV,
Naalimpungatan ako at sobrang sakit ng ulo.
Minulat ko yung mga mata ko at bumungad sakin ang isang pamilyar na lugar.
Napansin kong ang lambot ng kama ko.
Agad akong napabangon ng marealize kong nasa kwarto ako.
"Lasing ba ako at panaginip lang yung kagabi?"
Tanong ko sa sarili ko.
"Para kasing totoo yung mga nangyari. Hay, sobrang lasing lang siguro ako at sa sobrang die hard ko kay Kieth nag ilusyon na naman ako."
Sabi ko sa sarili ko para di na umasa. Bumangon na ako agad sa kama at pumunta na ng banyo para maligo.
Pagkatapos ay bumaba na ako para bumili ng pagkain.
"O, gising ka na pala."
Nagulat ako nung nakita ko si Kieth na kakababa lang ng kotse niya at may dalang pagkain.
"Bakit ka andito?"
Takang tanong ko at kumunot naman yung no-o niya.
"Pinupuntahan kita. Bakit, bawal ba?"
Pagsusungit niya sakin.
"So ibig sabihin totoo yung mga nangyari, na hindi ako lasing at nananaginip?"
Paninigurado ko sa kanya.
"Anu bang hinit-hit mo? Katol?"
"Uy sobra ka na ah."
Pagtatampo ko saka biglang nagpout.
"Eh bakit kasi tayo nandito? Di ba nasa Camp House tayo kagabi? Bakit andito na tayo ngayon sa bahay?"
Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Pinauwi tayo ni sir Lian. Sabi niya mauna daw muna tayo dito at kailangan mo munang magpahinga. May lagnat ka pa. Nabasa kaya tayo ng ulan kagabi."
Sabi niya at nauna ng maglakad papunta ng gate papasok sa bahay.
Sumunod naman ako.
"Ahm, Kieth, totoo bang tayo na talaga?"
Tanong ko sa kanya nung makapasok na kami sa bahay at andito kami sa kitchen. Hinahain niya yung dala niya.
"Bakit ayaw mo ba?"
"Kyaaa!!! Kiss mo nga ako."
Kinikilig na sigaw ko at lumapit sa kanya at yumakap.
Ngumuso pa ako para i-kiss niya.
Imbes na lips niya ang dumapo sakin. Likod naman ng kutsara yung nahalikan ko.
"Tumigil ka nga ang manyak mo."
Suway niya sakin. Lumayo naman ako sa kanya at umupo nalang sa table.
"Parang kiss lang ang damot pa."
Pagtatampororot ko naman.
"May sinasabi ka?"
"Wala."
"O, eto kumain kana."
Sabi niya sabay lapag ng pagkain sa harap ko. Eggs benedict yung dala niya tsaka tocino. Ang sarap ng amoy.
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Teen FictionThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...
