Raine's POV,
"Goodevening fellow martinians."
Bati ni Athan nung makabalik siya ulit sa stage.
"Okay, time for the announcement of winners for these Foundation Day."
Sabi niya at todo abang naman yung mga tao. Hindi namin masyadong makita yung mukha ni Athan dahil nga sa sobrang layo niya.
"For the Booths, with the income of 50, 732 pesos the winner is Business Warriors. Please come up the stage and claim your trophy and price."
Pag-anounce ni Athan at ayun umakyat na sa stage yung mga studyante. At wala naman kaming paki-alam ni Dem dahil lamon lang kami ng lamon dito. Gutom kaya kami.
"For the battle of the bands, siyempre as expected, the winner is The Hearthrobs. Please come up the stage and claim your price."
Ang sarap talagang kumain. Ang sarap ng pagkain. Dapat sulitin kasi binayaran ko to eh.
"Uy, Raine, galit ka sa foods?"
Napatingin ako kay Dem at narealize kong nakakahiya pala tong ginagawa ko.
"Hehehehe"
Napangiti ako sa kanya sa hiya at nilagay ko muna yung fork at spoon sa pinggan.
"Sorry."
"Anu ka ba, okay lang yan. I understand. Sige kain ka pa."
"Ah, hindi okay lang. Busog na din naman ako."
Ang totoo? Medyo busog ako. Kasi ba naman nawala yung manners at etiquette ko.
"Sure ka?"
Panigurado niya at tumango naman ako bilang sagot.
"Okay, ede magvote na tayo for Campus Queen and King."
At yun tumayo na kami saka naglakad papunta doon sa voting section.
Kaonti na nga lang yung nakapila.
"Miss, magvote na kayo. Magko-close na at bibilangin na yung boto."
Sabi samin ng isa sa mga studyante saka inabot samin yung papel at ballpen.
"Miss, kayo baa ng magbibilang ng boto?"
Tanong ko sa babaeng kuma-usap samin kanina.
"Oo."
Sagot niya at napangiti ako. Kasi ba naman may bright idea ako. Lumapit ako sa kanya.
"Miss, pwede bang mandaya?"
Tanong ko sa kanya sa mahinang boses. Nagtataka naman yung mukha niya.
"Naku, miss hindi pwede."
Pag-ayaw naman niya.
Sure akong talo ako this year even though kami yung former Campus King and Queen ni Kieth last year. Kasi ba naman hinalikan niya ako that time and attraction kami sa lahat.
Naging candidate din kasi ako that time pero ngayon hindi ako kampante. Hindi na kasi ako pwedeng mandaya. Lalo na at iba na kasi yung committee at ang hirap paki-usapan.
"Sige na, akong bahala sayo."
Pangugumbinsi ko sa kanya at mukhang kinakabahan naman siya.
"Sorry talaga miss hindi talaga pwede. Mapapagalitan ako niyan at ma-eexpel."
Tanggi pa niya at napabuntong hininga naman ako. wala talaga akong choice kung hindi prayer nalang.
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Teen FictionThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...