Kieth's POV,
After nung auction kanina ay nagsi-uwi-an na yung mga tao. Kami nalang nina Jace, Dem, Blaire, Blake, Chad at siyempre yung babaeng sinusumpa ko andito din.
After nung nangyari ay nag-inuman silang lahat at siyempre hindi naman paawat yung babaeng reyna ng inuman.
"Oh yes, isang shot pa."
Hirit ni Dem na lasing na lasing na. Si Chad naman ang umaalalay dito.
"Pwede ba, tumigil ka na nga."
Suway sa kanya ni Chad. Nasa sofa ang dalawa at magkatabi.
"Kailan pa natutong uminom si Dem?"
Tanong naman ni Blaire.
"Just now. She wants to prove to herself that she has a high tolerance in alcoholic drink but look at her now, drunk."
Sagot naman ni Chad na galit na.
"Alam mo Chad, paminsan-minsan kasi kailangan din naming mga babaeng uminom. Para naman kahit minsan lang eh mapatunayan namin sa inyong malakas kaming mga babae."
Epal naman ng isa pang lasingera.
Nagcontest kasi yung dalawang uminom at siyempre nakisabay naman yung dalawang lalaki na epal din. Kaya lasing silang apat.
"Tss."
Nasabi ko nalang saka nagsmirk.
"Tama si Raine. Alam niyo bang maganda yung alak para sa taong may problema?"
Singit naman ng isa pang lasing na si Blake at nakaalalay naman sa kanya yung bestfriend niyang si Blaire.
"Uy, pangit tumahimik ka nga."
Suway niya naman sa kaibigan.
"Anung tahimik? Bakit mo naman siya pinapatahimik?"
Reklamo naman ng isa ring lasing na si Jace. Yumakap ito kay Blake.
"Alam mo pare mahal na mahal kita."
"Nakakabading ka pare ah. Mahal din kaya kita."
Sabi naman nito at yumakap din kay Jace. Lakas din ng trip nilang dalawa. Nakaupo sila sa sahig na may rug.
"Kiss."
Sabi ni Jace na ngumuso na at lumapit naman si Blake.
"Alam niyo nakakadiri kayong dalawa."
Reklamo ni Blaire at hindi naman natuloy yung halikan ng dalawa.
"Selos kalang."
Sabi sa kanya ni Blake.
"Bakit naman ako magseselos?"
Tanong niya kay Blake. Asar na din si Blaire kanya.
"Kasi gusto mo ako."
Namula naman dun si Blaire. Totoo nga talaga ang kasabihang hindi sinungaling ang lasing.
Nakatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Joke."
Biglang bawi ni Blake at napatingin kami sa kanya. Para namang nabunutan ng tinik si Blaire sa sinabi nung bestfriend niya.
"Kinabahan ka dun nuh? Alam ko namang hindi mo ako magugustohan. Kasi sobrang taas ng standards mo. Kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh."
Sabi pa niya na lasing na lasing talaga.
"Ewan ko sayo. Magpahinga ka na nga lang."
Suway uli sa kanya ni Blaire sabay abot ng unan at kumot dito. nagpasya kaming tatlo nina Chad at Blaire na dito nalang matulog. Kasi kung iaakyat pa namin yung apat sa kwarto sa taas ay mahihirapan kami dahil mataas din yung hagdanan.
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Novela JuvenilThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...