Chad's POV,
"O, asa'n si Kieth? Kulang ata ang casting ngayon ah."
Tanong ni Dem nung makalapit siya. Andito kami ngayon sa bahay at nandito si Blake, Jace at Blaire.
"Ah, may dinner daw sila ni Lorry ngayon."
Sagot ni Blake habang nagbabasa ng message sa cellphone nito at tinago din sa bulsa ng pantalon niya.
"Akala ko ba ayaw niya sa badgirl?"
Takang tanong ni Dem.
"Sila na ba ni Lorry? Lagi naman silang magkasama sa school."
Segundang tanong naman ni Blaire.
"Alam niyo girls, wala naman talagang gusto si Kieth kay Lorry may business lang siya kay Lorry. After that business eh lalayo din naman si Kieth sa kanya."
Paliwanag naman sa kanila ni Jace.
"Malakas ata yung laban ng manok ko nuh."
Singit naman ni Blake.
"Anu to sabong? Sino naman yung manok mo?
Tanong naman ni Blaire.
"Sino pa? Ede si Raine. Lakas kaya ng laban nun."
"Manok ko din yun pare. Ayos, pareho pala tayo. Bilib ako sa babaeng yun."
Suporta naman sa kanya ni Jace.
"Hoy, tumigil nga kayong dalawa. Pag-untugin ko kayo diyan eh."
Suway naman ni Blaire sa kanila sabay banta sa kanila.
"Eto naman gumanda lang naging sadista na."
Panunukso sa kanya ni Blake.
Namula naman si Blaire dun. She's really inlove.
"Kayo, hindi parin kayo nagbabago."
Asar na sabi niya.
Hay, ang kulit naman ng mga to.
"Ang ingay niyo kaya. Bakit di nalang natin puntahan sila Kieth at Lorry."
Suggestion ni Dem at napatingin naman ako sa kanya.
Nakangiti lang siya at taas-baba ng kilay niya.
"Uy, may point si Dem. Puntahan kaya natin yung dalawa?"
Sang-ayon naman ni Blake sa kanya.
"Sus makikikain kalang dun eh."
Pambabara sa kanya ni Blaire. Para namang mga bata tong mga to.
"Wag ka na kasing umepal, pangit. Tulong nalang natin yun kay Kieth. Alam naman nating ayaw niya kay Lorry at siguradong pasasalamatan pa niya tayo."
Pangongonsente naman ni Blake sa idea ni Dem. Hay, pagkain lang naman habol ni Blake dun.
"Baka ma-rape pa ni Lorry si Kieth. Alam niyo naman yun virgin."
Pagbibiro ni Jace at napatawa naman ako sa mga lokong to. Para kasing bakla si Jace.
"Hahahaha loko ka talaga Jace. Ang bastos mo."
Natatawang suway naman sa kanya ni Dem.
"Anung bastos? Soon gagawin niyo din yan ni Chad. Wag kayong magmalinis."
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
JugendliteraturThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...
