Chapter 44: Punishment

73 4 0
                                    

Raine's POV,



"Alam niyo ba kung paano maghugas ng pinggan?"



Tanong ni Dem. Tapos na kaming magligpit ng pinagkainan at andito kami sa kitchen at problemado dahil hindi kami marunong maghugas.



"Hindi eh. Si yaya kasing gumagawa niyan at wala na siya."



Sagot ni Blaire at tumingin sila sakin.



"Kumakain lang ako sa labas. Si Kieth yung naghugas ng kinainan namin last time."



"Ako nga din eh. Never pa akong naghugas. So paano to ngayon?"



At yun nag-isip naman kaming tatlo.



"Aha, I have an idea."



Singit ko naman at ngumiti.



"Anu yun?"



"Curious na tanong nila."



Basagin nalang natin lahat yan o ede itapon sa basurahan. Bibibli nalang tayong bago."



Suggestion ko naman.



"Oo nga nuh. Konti lang naman to. Bumili nalang tayo ng bago."



Sang-ayon ni Dem at nalungkot naman yung mukha ni Blaire.



"Blaire, sige na payag ka na. Para din naman satin to. Please?"



Pangungumbinsi ni Dem sa kanya.



"Sige na nga."



Napipilitang payag niya. Napangiti naman kami Dem at kinuha niya yung trash bag kaya kinuha ko na yung pinggan para ilagay dun.



"What are you doing?"



Tanong ni Chad na kakadating lang.



Yung posisyon kasi namin si Blaire yung may hawak ng trash bag at kami naman ni Dem ay on the way na para ilagay yung pinggan dun.



"Wala."



Pagsisinungaling ni Dem.



"O, bakit, pare?"



Tanong ni Kieth na kakadating lang.



"Itatapon nila yung pinggan."



Pagsumbong niya dito.



"Hindi kaya. Naglilinis kami nuh tsaka basag kaya to."



Paliwanag ko naman.



"Lahat ng yan?"



Nagdududang tanong niya. Ede buking na.



Binalik ko naman sa sink yung mga pinggan at lumapit kay Kieth.



"Kieth naman eh. Tama na to please? Promise magpapakabait na ako."



Paki-usap ko sabay raise ng right hand ko.



"No."



Matigas na sabi niya. Napapout naman ako dun.



"Hindi kami marunong maghugas ng pinggan."



Pag-amin naman ni Blaire at tinignan siya namin ni Dem.



"Ahhh kaya pala."



Sabi ni Kieth at umiling-iling.



"Ang tatanda niyo na princess life pa din kayo."



Sermon ni Chad. Pasok na to sa pagiging pari eh.

The GoodGuy meets the BadchickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon