Raine's POV,
"Ahhh"
Daing ko pero mahina lang nung natumba ako dahil sa pagka-out of balance. Ang dami naman kasing criss-cross sa foot steps namin.
"Raine, are you okay?"
Alalang tanong ni Jam nang makalapit siya at nakatingin naman silang lahat sakin.
"Yeah, okay lang ako. Hindi naman masama yung pagkatumba ko."
Sagot ko sa kanya. Natukod ko yung kamay ko bago pa bumagsak yung puwet ko sa sahig.
"Hay anu ba yan ang hirap."
Reklamo ni Blaire saka umupo sa sahig. Andito kami ngayon sa Dance studio ng school namin at dito kami nagpapractice para sa presentation na yun.
Magaling kasi siya sa mga play at presentation. Balita ko nga nanalo pa siya sa lead actress sa school competition sa America bago siya umuwi dito.
Ang galing naman kasi niya. Siya na siguro ang pinakatalented at magandang babaeng nakilala ko at walang-wala ako sa kanila. Yung pagkanta ko sa audi? Lakas lang ng loob yun para sa lovelife ko.
(A/N: read by your side for Chad and Dem's story. Naks, makapagplug eh. Balik tayo sa story.)
"Ako nga rin eh."
Sabi ni Maureen at umupo sa sahig saka uminom ng tubig. Nakakapagod sumayaw at kumanta. Ni isa yata wala pa akon tamang nagawa.
"Parang give up na ako. Hindi ba pwedeng moral support nalang yung contribution ko?"
Si Jam na pawis na pawis. Grave naman kasi yung effort na ginawa namin lalo na ako. ni minsan hindi ko ginawa to.
"Guys anu ba kayo, walang give up-give up dito. Hahayaan nalang ba natin na yung mga fan girls ng mga boyfriends natin na husgahan tayo at laitin?"
Protesta naman ni Dem. Siya lang mag-isa ang ang may fighting spirit samin. Kasi naman magaling siya at walang laban sa kanya si Monique except lang na magaling itong sumayaw, matangkad at model.
"Kayo lang ang may boyfriend na sikat ako wala."
Pambabara naman ng bestfriend ko. Epal din minsan eh. Hahaha joke lang naman. Tama naman kasi siya nasama lang.
"Besty naman wag mo naman akong iwan. Bestfriends kaya tayo."
Pakiusap ko sa kanya.
"Kung bakit ko pa kasi pinatolan yung Athan na yun. Kung sinagot mo nalang sana yung gagong yun ede masaya at mapayapa sana akong namumuhay ngayon."
Buwelta naman ni Maureen kay Blaire at napatingin si Blaire sa kanya.
"Mau naman, ede wala na akong lovelife nun. Happy kaya ako kay Blake."
Panga-ngatwiran naman ni Blaire.
"O, ede ikaw na."
"May boyfriend ka na nga bitter ka pa."
Pang-aasar sa kanya ni Blaire at napangiti naman ako.
"Hey girls, we can do it. With just a full time in practice."
Pag-eencourage naman samin ni Dem at ngumiti siya. Ang ganda naman niyang nilalang.
"Pero walang dapat makaalam nito ah. Lalo na yung apat na sumpa sa buhay natin."
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Novela JuvenilThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...
