Chapter 31: Pretending as Bestfriends

64 4 0
                                    

Raine's POV,



"Anung iniisip mo?"



Tanong sakin ni Jam nung makalapit siya at umupo siya sa buhangin sa tabi ko.



Yung mga classmates ko ay nag-eenjoy na maligo sa beach at maglaro ng beach volleyball.



"Wala naman."



"Nga pala, nag-remind si Ma'am Anne about sa parents day next week."



Pagpapaalam niya sakin. Yumuko ako at gumuhit sa buhangin.



"Tinawagan ko na sina mama't daddy at pupunta naman sila."



Nararamdaman ko naman sa boses niya na masaya siya. Matagal na silang hindi nagkikita ng parents niya.



"I'm happy for you besty."



Humarap ako at ngumiti sa kanya.



"Thanks. Ikaw? Hindi mo ba tatawagan ang parents mo?"



Nabitawan ko ang stick na hawak ko nung marinig ko yung sinabi niya.



Pero agad naman akong tumingin sa kanya at ngumiti.



"Tatawagan ko na nga sila."



Paalam ko at tumango lang siya.







Jace's POV,



"O anu pare? May nakita ka ng specific information?"



Tanong ko kay Blake may hinahanap kasi akong record sa school registrar.



"Wag ka nga munang atat. Maghintay ka."



Sabi niya habang nakatingin sa laptop niya at nagsa-scan ng information.



"Anu ba kasing hinahanap niyong dalawa?"



Nagulat kami ni Blake nung may masalita.



Nung tumingin kami sa may pinto nakita namin si Chad.



"Alam mo Chad para kang multo. Para naman kaming aatakihin niyan sayo."



Reklamo ko sa kanya. Naglakad naman siya papunta sa kabilang side ng kama. Kami lang kasi ang tao sa kwartong to.



"Ah wala, nagre-research lang kami ng information about sa mga students family classification."



Paliwanag ko naman sa kanya.



"Information o tao?"



Nagulat naman kami sa tanong niya. Napatingin kami ni Blake sa kanya.



Ibang klase din tong si Chad.



"Paano mo-"



Hindi na niya natapos ang tanong ko nung magsalita si Blake.



"Eto, may nakita na ako."



Napatingin naman ako agad sa laptop niya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.



"Don't dare to tell Kieth about that information."



Pagpigil niya samin at napatingin kaming dalawa ni Blake sa kanya.



"Alam mo din to?"



Tanong sa kanya ni Blake. Tumingin naman siya sa side.



"Let him discover that."



Sabi niya saka lumabas ng kwarto.



"Ibang klase din si Chad nuh."



"Oo nga, lahat alam eh."

The GoodGuy meets the BadchickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon