Raine's POV,
"Kieth"
Tawag ko sa kanya at patakbong lumapit. Lumabas na kasi siya ng classroom. Kasama na niya yung barkada
"Yes?"
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Ganun din yung mga kasama niya.
"Thanks nga pala kanina ah."
Nakangiting sabi ko.
"That will be the first and last."
Supladong sabi niya.
"Uy, lovers anung topic niyo? Baka gusto niyo namang i-share sakin."
Epal ni Jace na nang-aasar.
"That's none of your business."
Pagsu-suplado sa kanya ni Kieth. Hahaha salamat at parehas na kami.
"Hahaha yan kasi wag ka ng mangialam."
Natatawang sabi sa kanya ni Athan at ti-nap siya sa shoulders.
Nagpatuloy naman sila sa paglalakad at sumabay ako sa kanila.
"Raine, bakit ka nga pala tumabi kay Dainiel? Di hamak na mas gwapo naman ako dun."
Tanong sakin ni Jace at pinagmayabang pa yung kagwapohan niya.
"Huh? Wala yun at ayaw kong tumabi sayo nuh."
"Bakit naman? Ayaw mo bang ma-inspired sa kagwapohan ko?"
Takang tanong niya. Hahaha ang humble ah.
"Sa kag*g*han mo siguro. Manahimik ka nga."
Pagtataray sa kanya ni Kieth. Hahaha basag part 2.
"Hahaha yan kasi wag ng umepal. Hindi ka uubra diyan kay Kieth."
Sabi naman ni Blake at pinagtawanan siya ni Maureen, Athan at Jace. Nakangiti lang ako.
"Intindihin niyo nalang kasi ang nagseselos."
Pagpaparinig niya kay Kieth at napatingin naman ako sa kanya.
"Talaga?"
Nakangiting tanong ko. Si Kieth nagseselos? Ako siguro pwede pa pero siya as in big NO.
"Hahaha hindi naniwala."
Si Jace na tawang-tawa at napansin ko naman ang pagtitig sa kanya ng matalim ni Kieth.
"Hay tumigil ka nga sa kabaliwan mo Jace. Paano naman magseselos si Kieth eh tumabi lang naman ako kay Dainiel para mangopya tapos bumalik na ako sa tabi ni Kieth nung sinabi niyang pakokopyahin niya ako. At ayaw kong tumabi sayo kasi baka wala ka namang sagot nuh. Mamaya imbes na makapasa ako eh bumagsak pa."
Paliwanag ko sa kanya at nagtawanan silang lahat maliban kay Kieth at sakin.
Yung tawa nila wagas na wagas at parang wala ng bukas.
"Langya Kieth nagpapakopya ka pala. hahahaha."
Natatang sabi pa niya at saka tumawa ulit ng wagas.
"Hahaha in the name of love."
Segunda ni Athan at tumawa din.
"I can't imagine that."
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Fiksi RemajaThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...
