Raine's POV,
"Saan tayo pupunta?"
Tanong ko kay Jace at Blaire na nasa harap ng bahay ko. Hapon na at ewan ko kung san ang lakad ng mga to.
Ewan ko nga sa dalawang to kung bakit nandito.
"Pinapasundo ka ni Kieth. Pupunta tayo sa bahay nila."
Sagot naman ni Blaire.
"O, bakit? Anung meron sa bahay nila?"
Takang-tanong ko naman.
"Birthday kasi ng kapatid niya."
Paliwanag naman ni Jace.
"May kapatid si Kieth?"
Gulat na tanong ko. Hindi ko kasi alam na may kapatid pala siya.
"Malamang."
Pabalang na sagot ni Jace.
"Sumama ka nalang kaya samin."
Sabi ni Blaire at yun sumakay na din ako ng kotse nila. Si Blaire naman yung nagdrive.
"Marunong ka din palang magdrive."
Sabi ko sa kanya.
"Oo naman nuh. Pero hindi ako pinapayagan. Ngayon lang to kasi malapit lang naman bahay nila Kieth."
Sagot naman niya habang nagda-drive. Ang ganda pa nga niyang tignan. Sobrang cool niya.
"Ang ganda niya nuh? Parang naiinlove ako sa kanya."
Epal naman ni Jace na nakatingin kay Blaire. Nasa front seat naman ito nakaupo.
"Jace wag kang ganyan baka mabali-an ka ni Blake ng buto."
Biro ko naman sa kanya at natawa naman kami ni Blaire sa kanya. Mukhang natakot eh.
"Oo na, property na siya ni Blake."
"Asa'n nga pala si Dem, Chad, at Blake?"
Paghanap ko naman sa kanila.
"Ah, sila yung nagprepare ng party."
Sagot naman ni Jace.
"Here we are."
Sabi ni Blaire ta pi-nark yung kotse sa labas ng subdivision.
Lumabas naman kaming tatlo ng kotse at napahanga ako sa bahay nila Kieth.
"Sure, ka bahay nila to?"
Tanong ko na nakatingin sa bahay nila. Sobrang laki kasi at mukha na siyang mansion.
"Oo, kaya pumasok na tayo."
Si Jace at pumasok na kami sa bahay nila Kieth.
Sobranga ganda ng bahay nila at may path walk pa papunta sa pinto at nakaseperate ito sa driveway papuntang garage.
Nasa pool naman yung party at hindi naman masyadong marami yung bisita. Puro mga bata, yaya at may parents din sa loob.
Ang ganda pa ng design kasi parang nasa underwater lang kami dahil sa spongebob na theme.
"Jace, bagay ka pala dito."
Sabi ko sa kanya.
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Fiksi RemajaThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...
