Raine's POV,
Another day na naman at nagising na naman ako sa panaginip.
Tulog pa yung mga tao dito sa room kaya lumabas muna ako at nagpahangin.
Ang ganda ng simoy ng hangin lalo na yung alon sa dagat. Naupo ako sa cottage na nasa tabing dagat.
Nung tumingin ako sa kaliwang side ko ay nakita ko si Kieth na nakatayo at nakatingin ng malayo sa dagat.
Iniihip ng hangin yung buhok niya at sobrang gwapo talaga niya.
Yung mukha niya sobrang ba-it kaya lang masungit.
Bigla namang lumapit sa kanya si Lorry at dumikit sa kanya. Isinandal pa nito ang ulo niya sa balikat ni Kieth.
"Akala ko baa yaw niya sa katulad ko. Eh bakit pag si Lorry yung lumapit sa kanya okay lang. Kapag ako naman yung lumapit kulang nalang itulak niya ako. Ang unfair nun ah."
Reklamo ko sabay pout. Para akong baliw dito na nagsasalitang mag-isa.
Nakakaselos kasi talaga silang tignan.
Sinindihan ko nalang yung yosing hawak ko at umihit nito.
"Alam mo Raine, give time some time for love to proseper."
Boses yun ni Jam na nanggaling sa likod ko. Naglakad naman siya papunta sa gawi ko at nakatingin din kay Kieth at Lorry.
"Anu bang pinagsasabi mo besty?"
Takang tanong ko sa kanya at bumuga ng usok.
"Hay, naku besty, ganyan magsalita kaya si Kieth. Nanibago ka pa."
Pang-aasar niya sakin at tinignan ko lang siya.
"Nasanay si Kieth na lagi kang nandiyan at humahabol sa kanya kaya siya naiiinis at tinutulak ka palayo. Bakit hindi mo i-try na wag munang lumapit sa kanya at hayaan mo siyang mamiss ka. Para naman malaman natin kung gusto ka niya talaga."
Suggestion ni Jam at napangiti naman ako.
May point kasi siya at ang talino talaga niya.
Napayakap naman ako sa kanya sa sobrang tuwa.
"Thank you besty."
"Oo na."
Sabi niya habang yakap ko siya.
"Pumasok na tayo at kumain."
Yaya niya sakin at naglakad na kami pabalik.
********
Nandito na kaming lahat sa dining room at kumakain.
"Ang sarap sinong nagluto nito?"
Tanong ni Dem habang kumakain.
"Oo nga, ang sarap nito."
Sang-ayon naman ni Allison.
"Si Dainiel ang nagluto ng lahat ng yan."
Si Jam ang sumagot nung tanong.
Napatingin naman kami kay Dainiel.
"Nasarapan ka din ba Raine?"
Tanong niya sakin at ngumiti saka tumango ako. Ang sarap naman kasi talaga ng luto niya.
"I cook it myself for you. Para naman matikman mo yung luto ko."
Uminit naman yung pisnge ko sa sinabi niyang yun. Nahiya tuloy ako kasi ang daming nakaalam nun.
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Genç KurguThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...
