Chapter 51: The Performance Day

52 3 0
                                    




(A/N: Sorry po, shortcut ko nalang po muna yung scenes kasi medyo mahaba na at kailangan ng matapos ng story. Book 2 na yung kailangan pero siyempre may kilig scenes pa din yung story kaya lang konti nalang. So please keep on reading and voting.)





Raine's POV,


"Girls, punta muna kami sa auditorium tutulongan lang namin si Chad magprepare para sa event. You know, busy si Mr. President at ayaw niyang patulongin si first lady kasi baka mapagod-este makasagabal pala sa concentration niya."



Paalam samin ni Jace at binatokan naman siya ni Kieth kaya natawa kami sa kanya.



Sabay-sabay kaming pumasok dito sa school and you know kung anung araw ngayon?



Yung araw na gusto kong mawala sa kalendaryo. Ito yung araw na kinamumuhi-an ko. Yung araw ng aking sumpa.



"Aray!"



"Alam mo ang daldal mo."



Seryosong sabi sa kanya ni Chad. Siyempre minsan lang kaya ngumiti si Chad.



"Bagay sayo yan."



Dagdag pa ni Maureen.



"I'll be seeing you later."



Paalam sakin ni Kieth at hinalikan ako sa no-o. Kainis naman, bakit hindi nalang sa lips?



Nauna namang naglakad si Chad sa kanila.



"Hali na nga kayo."



At yun yung isang kamay ni Kieth sa braso ni Jace at yung isa naman kay Blake. Nasa pagitan siya ng dalawang makulit. Tinulak naman niya yung dalawa paalis pero nakalagay pa din yung kamay niya sa balikat ng dalawa at sumunod kay Chad.



"So, anu na ang gagawin natin ngayon?"



Tanong ko breaking the silence nung makaalis na yung apat.



Hanggang ngayon ay wala pa din silang kaalam-alam na kami ang sasali sa group category. Full time kasi sila sap ag-oorganized ng event at walang time sa tsismis. Kami din full time sa practice at hindi na kami gaanong nagkakamoment.



"Ede anu pa ba? Girl power!!!!"



Si Blaire at napangiti naman kami sa kanya. Ang saya ata ng araw ng lokarets



"Ganyan ang epekto ng pagkafall niya kay Blake."



Pagbibiro sa kanya ni Maureen at nagtawanan kami.



"Oh, look who's here The Hearthrob girls or I should say, the underdogs?"



Epal naman ni Lory na dumaan sa gitna namin. Siyempre nasa school ground kasi kami.



Sila kasi yung makakalaban namin sa group category.



"Guys look, andito pala si Snow White with her seven dwarfs."



Pang-aasar ko sa kanya. Siyempre revenge time ng isang badchick.



Nagtawanan naman yung mga kasama ko at yung mukha naman ni Lory parang hindi madraw.



"Lory, wag kang ganyan, baka pumangit. Sige ka, the ugly kontrabida ka na."



Dagdag ko pa. baka kasi nakakalimutan nilang si Raine Mendrez ako.



"Don't you ever speak to me like that. Baka nakakalimutan mo, I will be the successor of M Corporation. Ooops I forgot wala ka naman palang alam dun kasi you're poor, a social climer."

The GoodGuy meets the BadchickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon