Raine's POV,
Pumunta na kaming school ng sabay. Kotse ni Kieth ang ginamit namin dahil yung kotse ko naiwan dun sa bar. Ipapakuha ko nga yun kay Jam. Last day na namin sa school na to dahil bukas graduation na namin.
Ngumiti siya sakin at bumaba na kami ng kotse. Marami ang nakatingin samin dahil naninibago sila.
"Hi Kieth."
Bati ni Mitch at saka hinalikan si Kieth sa pisnge nito. Hello, girlfriend here!!! Sarap sabunutan. Pero siyempre hindi ko yun gagawin baka magkaproblema pa kami ni Kieth kapag na-discipline office ako.
"For you."
Inabot niya yung isang red rose kay Kieth at kinuha naman ito ni Kieth.
"Thanks."
Pagpasalamat nito sabay ngiti. Bait ng boyfie ko talaga. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at umalis na din si Mitch.
Sa last day namin sa school na to ay nagbibigay talaga yung mga students ng roses, chocolates, cards o kung anuman para sa mga crushes nila na gagraduate na.
"Grave, ah buti ka pa may bulaklak."
Sabi ko naman sa kanya at tinignan lang niya ako.
"I didn't ask them to give me this."
Sagot niya sakin in poker face. Bumalik na nga ang dating Kieth na medyo seryoso, mysteryoso at tahimik.
"Hi Kuya Kieth para sayo nga pala."
Bati naman sa kanya ng isang babae na lower year at may kasama pa itong grupo. Binigay naman nila yung bulaklak kay Kieth at madami sila at may tig-iisa silang bulaklak na hawak.
"Thanks."
"Kuya, pwede bang magpapicture?"
Tanong nung bumati sa kanya.
"Sure."
Pagpayag niya, nakakahiya naman sa kanila nuh parang di ata ako nakita.
"Ate, pakuha naman ng picture."
Utos sakin nung isa sa mga kagrupo niya sabay bigay ng camera. Anu ako? Katulong nila? Ayaw ko sanang abutin yun pero nakatingin naman sakin si Kieth kaya kinuha ko yun at nagpicture sa kanila.
"Isa pa po."
Sabi naman ng isa. Wow, lang ha, may TF ba ako dito? Pero hindi na ako nagreklamo. Isa pang kuha ihahampas ko na talaga to sa kanya.
"Thank you po kuya."
Kinikilig na sabi nila at umalis. At sakin walang 'thank you' ganun? Bastos din nila nuh?
"O, bakit nakakunot yang mukha mo?"
Tanong niya sakin at tinignan ko lang siya ng masama. Ang dami niyang dalang bulaklak at chocolates.
"Kaasar ka naman eh, ba't ang daming nagbibigay sayo ng ganyan?"
Nagtatampong sabi ko.
"They give it to me. Ayaw kong masayang yung perang pinambili nila dito at ayaw ko din na maging malungkot sila."
Sagot niya lang at ngumiti ng bahagya at nagpatuloy naman kami sa paglalakad at ang dami pang nagbigay sa kanya ng bulaklak, chocolates at cards tapos dami ding nagsusulat sa white t-shirt niya. Lahat ng graduating ay magsusu-ot ng white plain shirt papunta sa auditorium para sa last day namin. Yung way nga namin ay parang may stop over lagi.
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Novela JuvenilThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...
