Chapter 10: Failed Tutorial

85 4 0
                                        


Raine's POV,




-at the coffee shop-




"Hi, sorry late ako. Ngayong umaga ko lang kasi nabasa yung message ni Chad. Kani-"



Bati ko sabay paliwanag sa kanya ng makita ko siya at umupo sa bench pero naputol yung sasabihin ko ng magsalita siya.



Nagkita nalang kami sa café dahil walang pasok. Si Chad din yung nagtext sakin ng location.



"Let's start para matapos na to."



Seryosong sabi niya at nakangiti naman ako.



"Okay."



Sang-ayon ko naman at binuklat na niya yung libro.



Ako naman titig na titig sa mukha niya a nakangiti.



Ang gwapo kasi talaga niya kahit hindi nakangiti. Masungit nga lang.



"So in this chapter, first is you need to analyze the problem."



Todo discuss siya at ako naman nakatitig parin sa kanya. Hay, naiinlove tuloy ako sa gwapo niya.



"Hindi ka pa ba tapos titigan ako?"



Nabigla ako sa sinabi niya at biglang nagback to reality naman ako.



Natanggal ko pa yung kamay ko na nakapangalumbaba dahilan para ma-out balance yung mukha ko at agad rin akong umupo ng tuwid at ngumiti sa kanya.



"Hehehehe"



Bahagyang tawa ko na medyo nahihiya.



"Anu, makikinig ka ba o tititigan mo nalang ako?"



Masungit na tanong niya.



"Tititigan ka."



Nakangiting sagot ko.



"Sabi ko na nga ba, ang nonsense talaga nito. Nasasayang lang oras ko."



Reklamo niya saka tumayo dala yung libro niya palabas ng café.



Ako naman ay agad kong kinuha yung bag ko na nasa gilid na upu-an at hinabol siya.



"Ma'am yung bill po."



Habol naman sakin ng waitress bago ako makalabas ng café. Anu ba tong si Kieth ako pa ang pinagbayad niya eh wala naman akong kina.in dun. Kakadating ko nga lang.



Dali-dali ko namang kinuha yung wallet ko sa loob ng bag ko at inabotan yung waitress ng one thousand.



"Here."



Pagkatapos kong iabot yung pera ay lalabas n asana ako ng glass door nang.



"Ma'am sandal lang po yung sukli niyo pa."



Pagsagabal naman niya sakin. Sobrang inis na nga ako sa kanya.



"Arrrghh, miss kapag hindi ko naabotan ang lalaking yun ipapasalvage kita."



Banta ko sa aknya at natakot naman yung waitress kaya tumahimik na at iniwan ko na siya at lumabas na ng café.



Naabotan ko naman siya sa parking lot at papasok ng kotse niya.



Nagsa-start na siya ng kotse niya.



Tumakbo naman ako papalapit sa kanya at agad na binuksan yung pinto passenger's seat at sumakay saka umandar yungkotse niya.

The GoodGuy meets the BadchickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon