Chapter 32: Hera's Temple

71 3 0
                                    


Raine's POV,



"Blake."



Lumapit ako kay Blake at pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya sabay nagpacute.



"Raine naman may girlfriend na kaya ako so pwede tama na yang pacute mo."



Napa-pout naman ako sa suway niya sakin at napabitaw ako sa braso niya.



"Blake, pahelp naman oh."



"Anu ba yun?"



"Di ba dala mo yung kotse mo?"



"Oo."



Takang-sagot niya sakin.



"Pwede bang mahiram muna. Saglit lang naman tapos ibabalik ko din sayo."



Paki-usap ko sa kanya with pacute style.



"Saan ba kayo pupunta? Baka mapagalitan kayo ni sir Lian. Nakuha pa naman yung lisensya mo."



Napaisip naman ako dun. Nakalimutan ko pala wala akong lisensya kaya hindi ako pwedeng magdrive.



Bakit pa kasi kinuha ng police na yun eh.



Napatingin ako kay Jam at ngi-nuso naman niya si Blake.



Napangiti ako. Nakuha ko din agad yung ibig niyang sabihin.



Talino talaga ng besty ko.



"Ahm Blake, pwede bang ikaw muna yung magmaneho?"



Paki-usap ko ulit sa kanya.



"Huh? Indi pwede. Mahuli pa tayo eh."



Pagtanggi naman niya.



"Hindi naman tayo mahuhuli kung hindi tayo magpapahuli. Sige na naman please, para sa love life ko."



Pamimilit ko with pacute at pout.



"Sabi na ng aba eh. Si Kieth na naman. Ang die hard mo talaga dun."



"Anu ba Blake, tutulongan mob a kami o magsesermon ka?"



Inis na reklamo ko sa kanya. Nakakapikon na din kasi.



"Sige na nga."



Napipilitang sabi niya at napangiti naman ako.



Lumabas kami ng Camp house at sa likod kami dumaan para walang makakita o makahalata man lang.



Sumakay na din kami ng sasakyan niya at nasa front seat ako at si Jam naman sa likod.



Medyo malayo din ang binyahe namin papunta dun sa Hera's Temple.




"Dito na ba yun?"



Tanong ko kay Jam habang nakatitig dun sa labas ng Temple.



"Oo, eto na yun."



Kumpirma ni Jam at bumaba na kami ng kotse.



"Anu ba kasi ang ginagawa niyo sa temple na to? At isa pa, mukhang sarado na ata."



Pagtataka ni Blake.



"Tumahimik ka nga diyan."



Suway ko sa kanya at si Jam naman nagdoorbell.



Ilang minute pa ay may lumabas naman na babaeng nasa fifties ang edad.



"O, mga bata gabi na. May kailangan ba kayo?"

The GoodGuy meets the BadchickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon