Raine's POV,Nagising ako at sobrang sakit ng ulo ko. Dinilat ko yung mga mata ko at nandito ako sa rug nakahiga.
Pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit ng ulo ko kaya napahawak ako dito.
"Anu ba kasing nangyari kagabi?"
Tanong ko sa sarili ko.
Umupo ako at nakita ko naman si Jace at Blake na magkayakap. Natawa naman ako sa kanila.
Si Blaire naman ay nakahiga sa paanan ko.
"O, Raine, gising kana pala."
Sabi naman ni Dem na kakagising lang na umupo at naghihikab pa.
"Anung nangyari kagabi?"
Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko nga din alam eh. Ouch! Ang sakit ng ulo ko."
Sabi niya saka hinawakan ito.
"O, gising na pala kayong dalawa."
"Malamang."
Sarcastic na sabi ko kay Chad. May pagkabobo din kasi.
"Anung nangyari sayo?"
Tanong niya kay Demeter at lumapit siya dito.
"Ang sakit ng ulo ko."
"That's your prize for being drunk last night."
Pagsusungit niya dito.
Hay, ang cute naman talaga nilang dalawa.
Naiinggit tuloy ako.
"Ewan ko sayo. Lumayo ka na nga lang. Hindi ko naman hinihingi opinion mo. Nagtanong ka kaya sinagot ko."
Pagtaboy naman sa kanya ni Dem sabay tulak.
"Ayyy, ang ingay niyo naman."
Reklamo naman ng kakagising na si Jace.
Nang idilat naman nito ang mga mata ay nabigla naman siya ng makitang nakayakap siya kay Blake.
Agad naman niyang inalis ang yakap nay un at umupo saka nagtakip ng katawan na akala mo galing sa one night stand.
"Nakakadiri naman yun. Hoy, Blake, di porket lasing ako ay pwede mon a akong pagsamantalahan."
Protesta niya kay Blake na kumukusot ng mata nito.
"Mahiya ka nga sa sarili mo. Hindi ako bading. Baka ikaw siguro."
Angal naman sa kanya ni Blake at umupo din.
"Pwede ba, ang iingay niyo at puro kayo lasing. Pag-uuntogin ko kayo eh."
Reklamo ng kakagising lang ding si Blaire.
"Anu ba kasing nangyari kagabi?"
Tanong ni Jace. Nagkibit-balikat naman kaming tatlo nina Dem at Blake.
"Talagang hindi niyo maaalala kasi sobrang lasing kayong apat."
Sabat naman ni Chad na masungit pa din.
"Ang takaw-takaw niyo nga. Parang di kayo nakainom ng alcohol isang taon."
Banat naman samin ni Blaire.
"Pangit, meron ka ba?"
Out of the blue na tanong sa kanya ni Blake.
Namula naman si Blaire dun.
Ikaw ba naman ang tanongin niyan ng isang lalaki at may dalawa pang lalaking nakaharap.
"Wa-wala. Bakit mo naman natanong?"
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Ficção AdolescenteThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...