Raine's POV,
Bumalik kami ni Kieth sa camp house na magkaholding hands.
Sobrang saya ko talaga ngayon.
Ang daming nangyari pero may isang tao pa din na naiwan para sakin.
"What's that?"
Galit na tanong ni Lorry nung makita niyang magkaholding hands kami ni kiet. Agad siyang lumapit samin at tinanggal niya yung kamay naming magkahawak.
"Pwede ba, lumayo ka nga kay Kieth, Gold digger, liar."
Sabi sakin ni Lorry.
"Listen guys."
Pagkuha ni Lorry ng attention ng lahat ng tao.
Nakatingin naman yung mga classmates ko sakinpati na yung teachers.
"This girl is a liar. She's a gold digger bitch. Nagpapanggap siyang mayaman para makapag-aral sa school natin. Puro mayayaman pa naging boyfriend niya. Para anu? Para pagkaperahan."
Sigaw niya sa lahat at nagbulong-bulongan naman yung mga classmates ko.
Yumuko naman ako sa sobrang hiya.
Ine-expect ko na to. Na silang lahat i-jujudge ako.
"Alam niyo ba, niloko niya tayong lahat maging ang bestfriend niya na nasa America daw yung parents niya at may kompanya sila. Ang totoo pala yung parents niya nasa palengke ang kompanya at nagtitinda ng prutas."
Dagdag pa niya at nanginginig naman ako sa galit.
"Ay, ang feeling pala niya."
"Kaya pala puro mayayaman ang boyfriend."
"Gold digger nga siya."
"Fake."
"Liar."
Ilan lang yan sa sinasabi nila sakin. Kulang nalang murahin nila ako.
"Maging sa bestfriend niya nagsinungaling siya. Para takpan ang totoo niyang pagkatao."
Pang-iinsulto pa niya sakin.
"And what now? Si Kieth naman? Bakit? Ginayuma mo siya nuh. May lahi ka din palang mangkukulam."
Natatawang sabi niya.
"Ay grave, mangkukulam pala siya."
"Dapat hindi na tayo lumapit sa kanya."
"Bakit ganyan siya."
"Totoo kaya yun?"
Bulong-bulongan pa sa paligid ko.
Nung tumingin ako sa kabilang side ay nakita ko sina Jam Kasama niya sina Blaire at Dem pati narin si Chad, Kieth at Blake. Nakatingin lang sila sakin.
Nakaramdam tuloy ako ng awa sa sarili ko.
"Pumapatol din siguro siya sa matatandang mayaman na madaling mamatay kaya may kotse at bahay siya."
I know, walang magtatanggol sakin kasi wala na si Jam sa side ko. Wala na akong bestfriend.
"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo Raine? Balak mo pa kaming lokohin lahat. Anu pa kayang itinatago mo?"
Panghahamon pa niya sakin. Sobra-sobra na talaga.
Nung tumingin ako sa harap ay nasagip ng mata ko si Dainiel na nagtataka din.
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Teen FictionThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...
