Chapter 42: Imprisoned Again

57 3 0
                                    



Raine's POV,



"Miss Raine, ikaw na naman?"



Reklamo nung matabang pulis Francisco yung nakalagay na name sa damit niya. Siya yung pulis last time na naprisento ako.



"Hi kuya namiss kita."



Sabi ko ngiti sa kanya.



Medyo nabawasan na yung pagkalasing ko nung 30 minutes na din kasi kaming nandito.



"Talaga? Kaya pala gumawa ka na naman ng Kalokohan."



Sarcastic na sabi niya at pinagalitan pa ako.



Napakagat naman ako sa labi ko.



Dinampot lang naman kasi kami ng mga pulis dahil nakalabag na naman kami ng batas.



Si Dem andun nakatulog sa upu-an. Occupy niya lahay ng space at si Blaire naman kaharap kong nakaupo sa table ng pulis na to.



"At nagsama ka pa ng dalawa ah. Anu to zombie tsunami?"



Sermon naman niya sakin.



"O, ikaw na naman? Ayos ah. mahal mo talaga ang prisento namin."



Pagpansin sakin ng matangkad na pulis na kakadating lang.



"Hi din po."



Bati ko sa kanya.



"Anu ba ang offense ng mga to?"



Tanong niya.



"Drunk driving, wreckless driving at overspeeding."



"O, nabawasan ng isa yung kaso niya. Mabuti na rin."



"Anung nabawasan? Nadagdagan nga. Alam mo ba miss na gusto kang idemanda ng mga residente malapit sa lugar na pinangyarihan kasi nawalan sila ng kuryente dahil sayo."



Sermon sakin nung pulis.



"Kuya, umaga na rin naman ah. Dapat natutulog na yung mga yun. Dapat pa nga silang magpasalamat sa ginawa namin kasi makakapagpahinga na sila."



Pangangatwiran ko.



"Anung makakapagpahinga? Sana naman yung tenga ko yung makapagpahinga sa reklamo at sigaw ng taong tumatawag dahil daw naperwisyo mo."



Inis na sabi sakin ng pulis.



"Sir, sir, ikulong niyo yang mga yan."



Turo ng isang lalaking kakarating lang. May kasama itong mga limang tao.



"O, anung kasalanan namin sa inyo?"



Tanong naman ni Blaire sa kanila. Kakagising lang nito.



"Hoy miss dahil sa ginawa niyo nagbrown-out sa lugar namin. Kaya ayosin niyo yung kawad ng kuryente."



Reklamo ni kuya.



"Anu kami electrician? Ede tumawag kayo sa kanila."



Sagot ko naman.



"Walang duty sa mga oras na to yung mga electrician."



Katwiran nung katabi nitong lalaki.



"Eh hindi na namin kasalanan yun."



Sabat naman ni Blaire.



"Anung hindi kasalanan? Dahil sa inyo natigil kami sa pagvi-videoke. Ginandahan ko pa yung kanta ko para lang tumaas ang score tapos biglang ng brown out."

The GoodGuy meets the BadchickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon