Raine's POV,
"Cheers!!"
Inangat namin yung mga baso namin at nagkampai. Pagkatapos namin kanina sa restaurant ay umuwi kami tapos nagyaya naman silang magcelebrate na kami-kami lang daw.
"Let's drink to hell guys."
Sabi naman ni Jace at tumayo pa sabay raise ng baso nito at uminom. Kasama ko si Maureen, Jace, Athan, Chad, Kieth, Jam at Bryan. Hindi naman nakasama si Dainiel kasi may family dinner sila. Dumating yung parents niya kanina lang.
"Asa'n nga pala si Blake?"
Tanong naman ni Maureen.
"Andun sa baba niya nagbabantay. Kanina kasi nagkaemergency at ni-rivive si Blaire."
Sagot naman ni Jace at nagulat naman kami dun.
"Ba't di mo sinabi?"
Tanong ulit sa kanya ni Maureen na sobrang alala sa bestfriend niya.
"Ngayon ko lang din nalaman nung pumunta ako sa hospital. Ayaw naman ni Blake masira yung celebration natin at okay naman daw si Blaire."
Paliwanag naman niya. It's been months at hindi pa din siya nagigising at siyempre yung boyfriend niya todo bantay naman sa kanya.
"Kieth, mag-eenroll ka na sa Medical school?"
Tanong sa kanya ni Chad at napatingin naman ako sa kanya. He told me about this kaya okay lang. Susuportahan ko siya kung gusto niyang maging doktor.
"Yup, I'm still completing my requirements."
Sagot naman niya dito at umayos ng upo. Magkatabi lang kaming dalawa.
"So, New York na yung punta mo talaga."
Nagulat naman ako sa narinig kong tanong sa kanya ni Chad. Mag-no-new York si Kieth? Natahimik naman silang lahat.
"Sa New York ka mag-aaral?"
Gulat na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin. Ba't hindi niya sinabi to sakin? Ba't di ko alam. Iiwan niya ba ako?
"Yes."
Nalungkot naman ako sa sinagot niya.
"Guys, bukas na yung Graduation Ball. Ang exciting naman nun."
Pagda-divert ni Athan ng topic. Nasense na din nila siguro na awkward na yung situation namin.
"Oo nga. Kami ni Chad yung nag-ayos nun nuh."
Singit naman ni Jace na nagmamalaki pa.
"Para namang may naitulong yung upo at daldal mo dun."
Pambabara naman sa kanya ni Chad at natawa naman kami sa kanya. Napahiya kasi siya.
"Sayaw tayo."
Yaya naman ni Maureen saka tumayo sila ni Athan.
"Oo nga, sayaw naman tayo."
Sang-ayon ni Jam saka tumayo sila Jam, Bryan at Kieth.
"Chad, sama ka samin."
Pagpupumilit ni Maureen kay Chad.
"Ayaw ko."
Mabilis na sagot niya saka ininom yung isnag baso. Kailan ba nahilig si Chad sa party?
"Sige na wag ka ngang KJ diyan."
BINABASA MO ANG
The GoodGuy meets the Badchick
Teen FictionThe begins in senior years when Raine a badchick had a crush on the goodguy Kieth and she always chase him everyday and tease him. Kieth doesn't like her coz she's far from being perfect like him. Until one day, when Raine's world crashes because of...