Chapter 6: The song for him

113 6 0
                                    

Raine's POV,




"Hi Besty."



Bati ko kay Jam na nakaupo sa bench sa garden at kumakain ng ice cream.



"Oh."



Ganda ng bati niya sakin nuh?



Inabot naman niya sakin ang isang picture na kinuha niya sa bga niya.



"Ingatan mo yan. Ninakaw ko yan sa SR office. Muntik pa akong mahuli niyan ah. Ang hirap naman kasing humanap ng pictures niya sa internet na nakangiti. Maging facebook ni Jace at Blake wala pinatolan ko na nga yung account ni Chad pero wala pa din."



Talak niya sakin. Hindi ko naman pinansin yung sinabi niya instead hinalikan ko yung picture dahil sa sobrang tuwa ko. Ang gwapo kasi talaga niya lalo na pag nakangiti. Naiinlove tuloy ako.



"Hoy!"



Pukaw sakin ni Jam sa dreaming ko at binaling ko naman sa kanya yung pansin ko.



"Thank you talaga besty, the best ka. Thank you I love you. Galing mo talaga"



Tuwang-tuwang sabi ko.



"Ako pa."



Pagmamayabang niya.



"Hoy babae, bakit absent ka kanina? Akala ko ba papasok ka?"



Tanong niya sakin at tumigil sa pagkain niya ng ice cream at tinignan ako. Ngumiti lang ako sa kanya.



"O, bakit anung nangyari sayo? Sinapi-an ka?"



Tanong niya sakin saka kumain ng ice cream niya.



"Kinausap na niya ako."



Pag-uumpisa ko at bigla naman siyang naubo.



" *cough* *cough* "



"Besty naman anu ba yang ubo mo. Kontra naman."



"Sorry, Talaga kinausap ka niya?"



Tuwang-tuwang tanong niya.



"Oo besty. Nilapit niya pa nga yung mukha niya sakin."



"O, anung sinabi niya sayo?"



Kinikilig na usisa niya. Ako naman kilig din.



"Naku besty, ang dami, ang dami-dami talaga. Alam mo sa sobrang dami kulang nalang murahin niya ako."



Pagkwekwento ko at bigla namang pumait yung mukha niya at pinagpatuloy yung pagkain ng ice cream niyang nakacone.



"Ininis mo na naman nuh."



"Tama hula mo Besty. Nagpaturo ka ba kay Madam Auring?"



"Eh paano ka naman magugustohan nun kung iniinis mo. Mas lalo lang mapapalayo sayo yun. At sa tuwing makikita ka niya, iinit yung dugo niya sayo."



Sermon naman niya sakin saka kumain ulit ng ice cream niya.



"Alam mo Jam technique kaya yun. Kung hindi ko siya iinisin hindi niya ako papansinin. At kung hindi niya ako papansinin wala kaming pag-uusapan. Di ba? Ngayon na nainis ko na siya magsosorry ako sa kanya. Ede bati na kami."



Paliwanag ko naman sa kanya.



"Ewan ko sayo."



"Ang sabi ko lang umibig ka, hindi magpakabaliw sa pag-ibig. Tinalo mo pa ata yung tuta nila sa kabubuntot mo sa kanya."

The GoodGuy meets the BadchickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon