-1-

1.5K 25 1
                                    


"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sayo friendship eh! Ang bagal-bagal mo kasi..." anang kaibigan niyang si Flora isang araw na dalawin siya nito sa bahay nila.

"Oo na, ako na may kasalanan! Malay ko bang mababaling sa iba ang pagtingin niya? Saka isa pa, akala ko sa super close namin hindi na siya makikipagkaibigan pa sa isang chakang babae na iyon!" ang nakalabing turan niya pa sa kaibigan.

"Ayan puro ka kasi akala-akala! Ano napala mo ngayon? Pakipot ka pa kasi eh malandi ka din naman!" nang-uuyam pang sabi nito.

Tinignan muna niya ito ng masama bago siya nagsalita "Wow, sayo pa talaga nanggaling iyan ha? Maka-malandi ka diyan eh samantalang mas madami pa nga naging jowa mo kesa sa bilang ng daliri ko sa kamay at paa!".

Si Flora naman ang napasimangot sa sinabi niya "Oo na! Eh kasi naman nakakainis ka eh!" nagmamaktol na sabi pa nito sa kanya "Ang dami-dami kong technique na binigay sayo para mas magkalapit kayo dinedma mo lang tapos ngayon eto ka nagmumukmok na parang batang inagawan ng laruan!" patuloy pa nito.

"Alam mo friendship hindi ako kasing landi mo..." aniya sa napasimangot na kaibigan "...no offense meant - reality lang tayo ha!" patuloy niya "hindi ko kasi kaya iyang paglalanding tinuturo mo sa akin. Isa pa baka ma-turn off pa sa akin iyon".

"Ayan ka na naman sa baka-baka mo. May napala ka ba sa kakaganyan mo ha? Diba't mas lalo ka pa ngang nawalan?".

"Hay..." buntung-hininga niya.

"So, ano ngayong balak mo?".

"Ano pa ba gagawin ko? Eh di hayaan nalang sila. Ayoko din naman na manghimasok sa kanila."

"Ay ang tanga lang!" nasapo pa nito ang sariling noo bago nagsalita ulit "Hahayaan mo nalang na mapunta sa mukhang paang babae na iyon si Jaime ha? Hindi mo ba ipaglalaban ang nararamdaman mo sa kanya? Oh baka malay natin ginayuma lang siya ng babaeng iyon diba?".

Biglang napatingin si Iska sa kaibigang si Flora pagkasabi nito ng salitang gayuma. "S-Sa tingin mo Flora, ginayuma lang niya si Jaime?".

"Ano ka ba Iska, sa tingin mo ba sa pagmumukha nung babae na iyon na kada makikita mo eh gusto mong magpunta sa salon at magpa-pedicure eh magugustuhan ni Jaime? Matagal na kayong magkaibigan diba? Sa tingin mo ganun talaga taste niya sa babae? Yung past GFs niya ba mukhang paa din, hindi naman diba?".

Napamaang si Iska. Sa mga nakilala niyang GFs nito wala pa siyang nakitang ganitong karakas. Halos lahat ng naging GF nito simula ng maging magkaibigan sila ay nakilala na niya at wala isa man sa mga ito ang... "Oh no! Maaari ngang nagayuma siya!" ang wala sa loob na sabi niya.

"Diba may point ako? Who would want an ugly GF? Unless super rich and everything but the way I see it, that girl doesn't have a single peso in her account" nakapameywang pang sabi nito.

"How did you know that Florabel?" nanlalaki ang matang sabi niya dito.

"Everybody knows naman kung ano financial status ng karibal mo na iyan. Super poor na nga, super chaka pa! So tell me, why would someone like Jaime Santillan will spend his time with that ugly bitch?" nakataas ang kilay na sabi ni Flora "And everybody is also wondering kung anong mahika meron siya para magawa niyang mapalapit sa kanya in a span of 2 weeks ang isang katulad ni Jaime".

"A-Ano ngayon ang dapat kong gawin Flora?" naguguluhang sabi niya dito.

"Isasama kita sa kaibigan ko. He can help us para ma-lessen ang kung anumang mahikang meron ang mukhang paang babae na iyan!".

"H-How? Does he know how to cure something like that? You know we're in modern day na and...".

"Shut up! Do you really need my help or what?" putol nito sa sasabihin pa sana niya.

"O-Of course I need your help".

"Iyon naman pala eh, then shut up!" mataray na sabi nito "I'm on your side and I'll help you with your love problem. Maaari ba naman kitang pabayaan?" patuloy nito.


Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon