-24-

282 10 0
                                    


"Badtrip ka pa rin ba Iska?" ani James ng lapitan siya nito sa labas ng bahay matapos nila maghapunan

Nilingon lang siya nito at umuko na ulit. Ayaw na sana munang magsalita ni Iska dahil naiinis pa siya. Hindi siya handang magtagal doon pero dahil desidido na si Flora na makasama ang kasintahan kahit isang linggo ay pumayag ito sa suhestiyon ni James.

"Paano kung sabihin kong oo? May magagawa ka ba?" ani Iska na nakatingin na ngayon sa malayo

"Wala nga akong magagawa pero at least may mapapaghingahan ka naman ng inis mo" anito "Saka teka, saan ka ba naiinis? Sa pag-stay nyo dito nang labag sa kalooban mo o kay Flora na nagdecide na mag-stay without asking kung agree ka ba?"

"Pareho!" sinapa-sipa pa ni Iska ang sementong nasa harapan niya

"Alam mo Iska, minsan okay din maging mapagbigay at kung sakaling pinagbigyan mo si Flora ngayon pwedeng sa susunod ikaw naman ang pagbigyan niya." ang seryosong sabi ni James "Parang love lang din ang friendship - yun bang give and take" patuloy nito

Nilingon pa ni Iska si James "Ikaw ba talaga yan Coy? Ay este, James? Naririnig mo ba ang sarili mo? Hello, hindi ka ganyan kapag magkakasama tayo sa school ah!"

"Huwag mo na akong tawaging Coy, grabe hindi ako sanay na ganun tawag nyo sa akin" tatawa-tawa pa ito

"Oh bakit sila dito payag kang tawagin kang Coy?"

"Sino sila Badong at Lola? Naku, ilang beses ko nang sinabihan mga yan ayaw pa din makinig kaya pinabayaan ko na hehe." anito sabay lapit ng bibig sa tenga ni Iska at bumulong "Huwag nyo nalang ipagkakalat sa school ang nickname kong yan ha!"

"Oh ba't kailangan may bulong pa?"

"Para dinig na dinig mo kasi malapit ako sayo"

"Eh yung pintig ng puso ni James, narinig mo din ba kung gaano kabilis kasi nandiyan siya malapit sa sayo?" ang singit ni Flora mula sa likod na ikinalingon nila

"Si Flora talaga!" ani James na kakamot-kamot pa sa batok at namula sa hiya

"Umpisa ka na naman Flora! May atraso ka pa nga sa akin tapos ayan ka na naman!" ani Iska

"Bakit masama bang magtanong?" ani Flora ba sumulyap pa sa kasintahang si Badong sabay kindat dito.

***

"Ano feeling Iska, happiness overload ba?" ani Flora nang papatulog na sila. Ipinagamit sa kanila ni Impong Sela ang kwarto nang kapatid na babae ni James sa kanila.

"Ewan ko sayo, umpisa ka na naman Flora eh!" ani Iska

"I'm sure hindi lang ako ang mag-e-enjoy sa pag-i-stay natin dito" ang natatawa pang sabi nito

"Sure ka? Baka mapahiya ka!" hamon ni Iska

"Eh paano kung tama ako? Sus, huwag ka nang makipagpustahan at for sure talo ka!"

"Whatever!" ani Iska manahimik lang ito "Ay teka, bakit ka nga pala nandito? Nasa malapit lang kalandian mo oh tapos katabi kita ngayon? Anong nangyari ha?" usisa pa ni Iska

"Uy, iniiba usapan hahaha" tatawa-tawa pa ito pagkatapos ay sumeryoso "Ayaw kasi pumayag ni Impong Sela na kanila Badong ako matulog dahil nandito ka nga. Ayaw naman niyang isama kita kanila Badong dahil nandito naman si Lucky Charm mo - ang ending, eto katabi kita ngayon hehe - tatakas nalang kami ni Badong mamayang madaling araw, diyan nalang kami sa damuhan sa labas"

"Yuck, ang baboy lang. Sa labas talaga eh noh?"

"Ang dumi nang utak mo Iska! Masama bang magkwentuhan sa damuhan?" anito kay Iska "Syempre yung landian period pwedeng sa sala na hahaha"

"Hay naku, umarya na naman kalandian mo"

"Bakit ano masama? BF ko naman yung nilalandi ko diba?" ani pa nito "Don't tell me naiinggit ka na ngayon? You can call your lucky charm anytime. Yun pa? Eh halatang malakas tama non sayo!"

"Enough na Florabel!" ani Iska "Matulog na tayo at inaantok na ako"

"Ay biglang inantok? Affected na yata hahaha"

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon