-26-

270 11 0
                                    


"Oh buti nandito na kayo" ani Flora nang makita silang nasa may pintuan ng bahay ni Impong Sela at kadarating lang

"Matapos nyo kaming iwan" anang nagmamaktol na si Iska na naupo na sa sofang katapat ng inuupuan nila Flora

"Mag-inarte pa ba Francisca?" ani Flora na nanglalaki ang mata sa kaibigan

"Bakit ba tila iniintay nyo kami?" ani James na tumabi na kay Iska sa sofa

"Eh 'insan yayayain sana namin kayong sumama sa amin mag-camping" singit ni Badong

"Camping?" ulit ni Iska

"Oo camping Iska!" ani Flora "Ano sasama ba kayo?"

"P-Parang ayoko yata" ani Iska sa tonong natatakot na

"Ang arte lang. Sumama ka na para masaya madami tayo." sabi pa ni Flora

"Marami tayo tapos aapat lang naman" ang nakalabing sabi pa ni Iska

"'Pag more than one diba considered madami na? Eh ano pa kaya yung apat diba?" ani Flora "Huwag ka na kasing mag-inarte friendship, for sure naman sasama yang si James eh di ka mabo-bored kasi may kausap ka" patuloy nito

Tinignan na muna ni Iska ang katabing si James bago ito nagsalita ulit "Bakit ba nakati-katihan nyo namang mag-camping?" usisa pa nito

"Eh kasi naisip namin pwede tayong mag-bonfire dun sa place habang nagkukwentuhan" ani Flora

"Naisip namin - baka ikaw lang kami Flora nakaisip niyan" ani Iska na umirap pa

"Any problem with that? Exciting nga yon eh. We'll get to know each other more kasi tayo-tayo lang ang nandon" ani Flora "Ano James, sumama kana para sumama na din itong si Iska" pamimilit pa ni Flora dito

"S-Sige!" anang nahihiyang si James sa mga kaharap

"Yes!" ang panabay na sabi pa nila Flora at Badong na nag-high five pa

"Oh walang urungan yan ha!" ani Flora na dinuro pa si James habang nakatawa

"O-Oo naman!" ani James na alanganin pang tumawa

"Oh ano sumama kana din Iska, maiiwan kang mag-isa dito, ikaw din!" pananakot pa ni Flora

"Eh may choice pa ba ako? Lahat kayo lalarga!" iritang sabi pa ni Iska

***

"Akala ko ba camping eh anong ginagawa natin ngayon dito sa lumang bahay na ito?" ani Iska na nagtataka kung bakit napunta sila doon instead na sa bundok para mag-camping

"Sorry forgot to tell you na diyan na muna tayo ngayong umaga sa loob ng bahay tapos sa gabi dito naman tayo sa labas magka-camping" ani Flora na bakas ang excitement sa boses

"Leche ka talaga Flora! Kung sinabi mong ganito pala ang plano nyo eh di sana nagpaiwan na ako sa bahay ni Impong Sela" ang naiinis na sabi pa ni Iska sa malditang kaibigan

"Kaya nga kami lang ni Badong nagplano nito eh kasi for sure hindi ka sasama sa amin kahit maiwan ka pang mag-isa" ang natatawa pang sabi ni Flora na tumingin pa sa nakatawa ding si Badong

"Pasensya ka na Iska at nakatuwaan ka na naman nitong Babe ko" hinging paumanhin ni Badong

"Pasensya-pasensya may magagawa pa ba yang pasensya mo?" gigil na sabi pa ni Iska

"H-Huwag ka nang magalit Iska. Nandito naman ako eh. I can ptake care of you" singit naman ni James

"Uy, kahit creepy yung atmosphere dito parang kilig yung nararamdaman ko ah!" ani Flora na pumorma pang kinikilig nga

Inirapan lang siya ni Iska "Kapag may hindi magandang nangyari sa atin dito Flora, lagot ka talaga sa akin" sabi pa ni Iska na nagmartsa na papasok sa gate ng lumang bahay.

Umingit pa nga ang kinakalawang na gate nito pagbukas niya. Tuloy-tuloy na si Iskang pumasok sa loob ng bahay kasunod ang nag-aalalang si James.

Sina Flora naman at Badong ay makahulugang nagkatinginan. 

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon