-35-

232 8 0
                                    


"Waahhh ang ganda nang sunset!" ani Flora nang makita ang mga kuha ni Iska

"Ngayon nanghihinayang kang hindi mo man lang nakita or nakunan man lang, paano harutan kayo nang harutan!" ani Iska

"Oo na, kasalanan ko na!" ani Flora na natatawa pa "Pa-tag nalang 'pag post mo ha!"

"May magagawa pa ba ako? Kahit naman hindi kita i-tag, ita-tag mo pa rin naman ang sarili mo diba? Tapos kukulitin mo akong i-approve un! Kaloka ka talaga!"

"Buti alam mo!" ani Flora na kumindat pa sa kanya "Maiba ako, kumusta naman kayo kanina ni James? Alam mo eh kahit naghaharutan kami nang babe ko kanina eh hindi ko pa rin maiwasang sulyapan kayo" patuloy nito

"Okay naman kami" ani Iska "Buti pa nga siya nasamahan akong mag-sunset viewing eh" himutok pa niya

"Ibig sabihin niyan friendship meant to be kayo unlike yung kinababaliwan mong si Jaime na super manhid naman!" tatawa-tawa pang sabi nito bago sulyapan sina Badong at James na nahkukuwentuhan sa 'di kalayuan

"Pwede ba Florabel, kaya nga tayo nandito dahil kay Jaime okay?" medyo irita na siya

"Oh ba't badtrip ka kaagad diyan? Ipinaiintindi ko lang sayo kung sino talaga ang para sayo!" anito pa

"Ah ewan!" ani Iska "Tara na ngang lumabas ng resort ng makabili ng pagkain sa labas"

"Hep, walang maiiwan dito sa tent. Kami na lang ni Badong ang lalabas. Kayo na ni lucky charm mo ang maiwan dito ha! Magbantayan kayo ahihi" ani Flora at lumakad na ito papunta kina James at Badong

"Argh! Leche ka talagang babae ka!" ang naiinis ng sabi pa ni Iska nang layasan siya nito bigla

***

"Ang tagal naman nila. Bibili lang ng pagkain eh." ani Iska na naiinip na. Isang oras na kasi ang nakakalipas simula nang umalis ang mag-nobyo

"Gutom na gutom ka na ba Iska?" ani James na worried na worried sa kanya "Konting tiis na lang, pabalik na siguro yung dalawang yon"

"Kaya pa naman. Nakakakilala pa naman ako hahaha" ani Iska

Ngumiti muna si James sa sinabing yon ni Iska bago nagsalita ulit "Basta 'pag hindi mo na kaya, just let me know ha!"

Tumango naman si Iska dito. Pagkuwa'y lumitanya na nang "Ang pag-ibig pala ay parang pagkain din"

Nababaghang tinignan siya ni James dahil parang kani-kanina lang ay ganito din ang topic nila, iba nga lang ang subject.

"Alam mo kung bakit?" ani Iska at nagsalita muli ito "Kasi ang pagkain ang nagbibigay buhay sa atin at oras na mawala yan, unti-unti tayong makakaramdam ng gutom hanggang sa tuluyan na tayong sumuko at mamatay"

"Nahawa kana sa pagsesenti ko kanina ah. Huma-hashtag hugot ka na din" ani James at ngumiti pa ito ng pilit "Ganun mo ba talaga kamahal si Jaime?" patuloy pa nito

"'To naman. Ginaya lang kita kanina kasi nakakamiss mag-senti" mapait na tumawa pa si Iska

"Hindi mo na sinagot yung tanong ko" ani James

"A-Ano ba yung tanong mo James? H-Hindi ko kasi nadinig" ani Iska tengang-kawali mode

"Haist, hayaan mo na nga yung tanong ko. Just forget it" ngumiti pa si James sa kanya "Okay lang kung ayaw mong sagutin, hindi ko man alam ang dahilan mo kung bakit at least hindi ko narinig - hindi ako masasaktan" sa loob-loob ni James

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon