-46-

208 9 0
                                    


"Hi Jaime!" ani Iska nang makalapit na siya kay Jaime at ilapat ang kamay niya sa balikat nito "May itatanong sana ako sayo" patuloy niya nang makaupo na sa bakanteng-upuan na katabi nang inuupuan nito

"Oh Hi Iska" ang sabi naman nito pagkakita sa kanya "Ano yung itatanong mo?" pagkuwa'y tanong nito sa dalaga

"Ah kuwan, tanong ko lang sana kung..." pasakalye ni Iska sabay dating naman ni Chelsea

"Hi Iska" bati nito sa kanya bago naupo sa upuang nasa kabila naman ni Jaime kaya napapagitnaan nila ito ni Iska

"H-Hi Chelsea" ganting bati din naman ni Iska dito

"Oh may pinag-uusapan ba kayong dalawa? Alis muna ako if ever" anito na ngumiti pa kay Iska "Saka mukhang seryoso usapan nyo eh!" anito pa

"H-Hindi naman masyado, may..." ani Iska na huminga muna nang malalim bago nagsalita ulit "May itatanong lang sana ako kay Jaime"

Tumingin na muna si Chelsea sa katabing si Jaime na nakatingin din naman sa kanya bago ito nagsalita "Ano ba itatanong mo dito kay Jaime? Hindi naman personal?" usisa pa nito

"H-Hindi naman!" ani Iska na medyo saliwa ang ngiti

"Ah okay. So no need na umalis pa ako? Just tell me girl ha, dun muna ako kanila James at Flora kung sakali" sabi pa ni Chelsea

"Ay no need na! Saglit lang ito." ani Iska

"Okay, shoot!" ani Jaime "Ask me na" sabi pa nito na nakangiti sa kanya

"A-Ano kasi Jaime. I-Itatanong ko lang sana kung may kilala kang J-Jenny" ani Iska na nakahinga na nang maluwag dahil sa wakas naitanong na din niya ang gustong itanong kanina pa

Sina Jaime at Chelsea naman ay nagkatinginan bigla tanda na sa tingin pa lang ay nag-uusap na sila.

"S-Something wrong?" si Iska na nagtataka sa kinilos ng dalawa

"W-Wala naman" si Jaime "Ahm, yes. I know someone named Jenny. S-She's a friend of mine actually" patuloy nito

Sa kabilang banda nasamid naman itong si Chelsea sa sinabi ni Jaime. Siniko naman ito ni Jaime para manahimik saglit.

"Pwede ko bang malaman full name niya - if you don't mind" si Iska

Tinginan na naman ang dalawa. Napipika na si Iska. Para kasing may mali sa kilos ng dalawang ito. May sikreto ba sila? Bakit ba sa bawat tanong niya ay tinginan muna ang dalawa bago sumagot ang isa. Hindi tuloy niya alam kung maiinis ba siya sa kilos ng mga ito dahil obviously, may something talaga o magseselos na dahil ibig sabihin lang nito ay super close na silang dalawa at itchapwera na talaga siya sa eksena nang buhay ni Jaime - and she hated it!.

"Ahm, Jenny kasi is a very private person. Pwede bang tanungin ko muna siya if okay lang sa kanya?" pagkuwa'y sabi nito sa medyo nakasimangot na si Iska

"Ahhhh Ooookay!" ani Iska na nakataas na yata ang kilay sa sagot na yon ni Jaime "If ever pumayag siya just tell me ha!" patuloy niya dito

"S-Sure!" maikling sagot naman ni Jaime

Tumayo na si Iska mula sa pagkakaupo "Oh paano balik na ako sa pwesto namin" paalam niya sa mga ito

Naglakad na siya pabalik ng may maalala siya "Nga pala, ba't hindi na namin kayo nakikita sa tambayan? Yung cafeteria sa labasan?" aniya sa dalawa "If ever may free time kayo, let's meet later ha! Same place, same time!" patuloy niya sabay ngiti sa dalawa

Tumango naman ang mga ito sa kanya.

***

"Palagay ko talagang may sikreto ang dalawang yon sa atin" ani Iska nang makabalik siya kina Flora at James sabay nguso sa nasa unahang sina Chelsea at Jaime na nagbubulungan

Sinundan ng dalawa ang inginuso niya.

"So ano ngayon ang plano?" ani Flora na napabuntong-hininga pa

"Sabi ko sa kanila if may free time sila eh let's meet sa cafeteria mamaya, same time. Um-oo naman sila" ani Iska

"Um-oo lang mga yon tapos i-indian-in naman tayo" ani James

"What if, si Chelsea ang kulitin natin about their secret or secrets?" suhestiyon naman ni Flora

"Secrets talaga Florabel?" nakataas ang kilay na sabi ni Iska

"What?" ang nakakunot-noong sabi naman ni Flora kay Iska "Malay naman natin na hindi lang ang Jenny na yan ang alam ng babaeng yan diba?" anito pa "Saka ever since talikuran niya ang friendship nyo - no offense meant ha, nagpapaliwanag lang - eh naging sobrang dikit na nang dalawang yan, kulang na nga lang umamin na sila na diba?"

Napa-ismid naman si Iska sa sinabi ni Flora, partikular sa tinalikurang friendahip nila. Totoo naman kasi yon pero yung ipamukha na naman sa kanya ni Flora yon - yun ang masakit!

"Huwag ka nang mag-inarte diyan Iska. Reality bites talaga eh, wala na tayo magagawa. Let's help our friend James here na alamin na lang ang 'little secret' ng dalawang yan" pag-aalo pa nito sa kaibigang si Iska

"So what's the plan nga?" si James

"Pupunta tayo sa cafeteria mamaya and we'll wait for them. If indian-in nila tayo then it's time to ask Chelsea na about their secret. Ano ayos na ba yon?" tanong ni Flora "If you guys have 'Plan B' then let's talk about it baka saka mas okay yon kesa sa 'Plan A' ko" patuloy nito

"Sige, 'Plan A' na muna tayo!" panabay na sabi pa nila Iska at James.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon