-36-

238 9 0
                                    


"Wow, san ba kayo bumili ha sa Cebu? Aba eh more than an hour kayo nawala halos mamatay-matay na kami sa gutom ah!" ani Iska nang dumating ang dalawa na naghaharutan na naman.

Matapos din kasi ang usapan nila kanina ni James ay hindi na ulit sila nag-usap, pakiramdaman na lang hanggang sa dumating na nga ang mag-nobyo.

"Pasensya na. Ito kasing si babe sabi meron daw sa malapit lang kasi yun daw tanda niya kanina nung nadaan tayo yun pala sa ika-apat na kanto pa tapos loob na loob pa" ani Flora na tatawa-tawa pa.

"Tara nang kumain. Pasensya na ha!" ani Badong sabay kuha ng plato at kubyertos na baon nila.

***

"Hay nabusog ako sa ulam natin!" ani Badong na hinihimas-himas pa ang tiyan matapos nilang kumain.

"Oh tara na, mag-set up na tayo nang bonfire." ani Flora na halatang excited ang tono

"Sige, tara na!" sang-ayon ni Iska

"Mas maganda sana kung dito sa gitna nitong dalawang tent natin i-set up ung bonfire" suhestiyon pa ni James

"Ay sige, maganda ngang idea yan, 'pag inantok nasa malapit lang ang tulugan natin" si Badong

Matapos na makapag-set up ng bonfire. Naupo nang paikot ang grupo.

"Mag-truth or consequence nga tayo!" ang excited na sabi pa ni Flora

"Huwag na, ano tayo mga bata?" ani Iska

"Ang KJ talaga nitong si Iska. Sige na, ngayon lang naman eh. Pampaantok lang!" si Flora

"Oo nga naman Iska, pumayag ka na. Masaya 'to!" tatawa-tawa pang sabi ni Badong

"Ikaw 'insan agree ka ba?" ani Badong sa pinsang tahimik lang na nakikinig sa diskusyon nila

"Ayos lang naman kahit ano!" anito sa pinsan

"Ayun naman pala. Iska, ikaw lang ang may ayaw. Kaya no choice ka" ang natatawa pang sabi ni Flora

"Okay fine. As usual, wala na naman akong choice haist" ani Iska sa tonong naiinis

"For sure mamaya mag-e-enjoy ka niyan ahihi" sabi pa ni Flora

***

"Oh Iska sayo na tumapat yung bote sa wakas" si Flora na kinikilig na

"Ano, truth or consequence?" si Badong na halatang kinikilig din

"Sige, consequence nalang!" confident na sabi pa ni Iska. Naisip kasi niya na mabababaw lang naman ipapagawa nang mga ito sa kanya.

"Ayos!" ani Flora at nag-high five pa silang mag-nobyo "Ito pagagawa nanin sayo. Ngayong gabi, sa tabi ka ni James matutulog. Sa iisang tent lang kayo ha" patuloy pa nito

"What?" namamanghang sabi pa ni Iska

"What's wrong? Magkaibigan naman kayo diba?" si Badong

"Leche kayo! Ang dami-daming pwedeng ipagawa yan pa. You see, babae ako at lalaki siya" naiiyak ng sabi pa ni Iska

"A consequence is a consequence." nagkibit-balikat pa si Flora

"H-Huwag na lang. Ibahin nyo na lang ung consequence nyo kay Iska" si James na nababahala na

"Oh pati ikaw James KJ na din?" ang nakataas kilay na sabi pa ni Flora kay James

"Hindi naman, ayoko lang na nakikitang ganyan si Iska" ang mahinang sabi pa ni James

"Ano yon James?" si Flora

"Huwag na lang kako" ani James na hindi na inulit ang sinabi kanina

"Sorry, yan talaga consequence namin for her" si Flora "At hindi matatapos ang larong ito hangga't hindi niya nagagawa yung consequence niya" patuloy nito na kay James na nakatingin

"Eh di bukas na yung continuation nung game?" si Badong

"Korek!" ani Flora na magkabilang-tenga ang ngiti

Hindi pa man kasi nangyayari ay kinikilig na siya for James and Iska. Sana lang ay this is it na talaga para sa dalawa.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon