-54-

213 7 0
                                    


"Ay ura-urada talaga ang larga ha Iska?" ani Flora nang tawagan siya nito kinagabihan

"Hindi na ako makahintay Florabel eh. I need answers kung bakit walang effect sa gayuma ni Impong Sela si Jaime" aniya dito

"Hay naku, pasalamat ka at gusto kong makita ang babe ko kaya kahit hindi ako pwede eh sasamahan na nga kita" anito pa

"Salamat friendship! Sobrang love talaga kita!" ang natutuwang sabi pa ni Iska

"Sus, naglambing kasi may urgent favor siya!" ani pa ni Flora

"Grabe! Hindi naman friendship. Saka love naman talaga kita diba? Alam mo yan kahit madalas mo akong binu-bully hahaha"

"Okay na sana eh kaso binanggit pa talaga yung pangbubully ko 'daw'"

"Hahaha huwag mo nang itanggi friendship. Kung may contest nga lang ng pa-bully-han, hay naku isasali talaga kita tiyak kasing makukuha mo ang grand prize eh"

"Grabe! Ako pa talaga?" tatawa-tawa pa ding sabi ni Flora

"Alangang ako diba?" natatawa na ding sabi pa ni Iska

***

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa James, lalarga kami ni Iska bukas. We'll be absent kaya quiet ka ha! Friday naman so wala masyadong hassle sa studies natin at tamad na magsipasok mga professors natin non" ang pabulong na sabi ni Flora kay James pagkaupong-pagkaupo nito sa tabi niya

"At bakit ura-urada naman? Hindi ba makahintay yan till weekend?" usisa ni James dito

"Itanong mo nga diyan kay Iska kung bakit" ani Flora sabay nguso sa katabi niyang si Iska

Sinilip lang siya ni James sabay baling kay Flora ulit.

"Parang alam ko na kung bakit. Gayuma na naman ano?"

"Well..." pinaikot pa ni Flora ang mata niya "Alam mo naman yang babaeng yan, hindi yata talaga titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya saka may ikukunsulta daw siya sa lola mo"

"Pihado yung pinakamabisang gayuma ang hahanapin niyan sa lola ko" ani James na pasulyap-sulyap pa din kay Iska na nagkukunwari namang busy sa ginagawang pagbabasa.

"Eh ano pa nga ba? Lakas daw ng tama kay Jaime pero hindi naman makasagot 'pag tinatanong na yung feelings niya dun sa..." ang tila na-hang sa ere na sasabihin sana ni Flora dahil naalala niyang involved si James sa issue ni Iska "A-Ahm, baka gusto lang i-try ni Iska lahat ng gayuma nang lola mo - alam mo na, dakilang tester lang ang peg - ahihi" pag-iiba ni Flora sa usapan

Napailing lang naman si James sa mga sablay na sinabi ni Flora mapagtakpan lang ang nauna nitong sinabi na alam naman niyang patungkol sa kanya.

Si Iska naman ay hindi na nagtaka sa katabilan ng dila nang kaibigan "Talaga itong si Flora!" sa loob-loob pa niya

"Anyway..." pagkuwa'y sabi ni James "Yaman din lang na sa lola ko ang punta ninyo eh sasama na ako sa inyo"

Masayang tumango si Flora sabay siko sa katabing si Iska "Oist, Francisca sasama daw itong si James sa atin - okay lang ba ha?"

"H-Ha? O-Okay lang sige!" ani Iska naman na hindi tumitingin sa kausap na si Flora

"Problema nang babaeng ito?" ani Flora na nawi-weird-uhan naman sa kinikilos ni Iska "Ba't ayaw mong tumingin sa amin?"

"M-May binabasa ako eh!" ani Iska na sa libro pa din niya nakatingin

"Sus, kailan ka pa natutong mag-advance study ha?" usisa ni Flora

***

Dumating ang Biyernes...

"Si James na lang ang wala. Darating pa ba yon?" ani Iska na halatang naiinip na

"Oo darating yon, pwede ba namang hindi eh siya pa nga ang nagpresintang sasama!" ani Flora habang nakatingin sa salamin at nagreretouch.

Kasalukuyan silang nakaupo sa isang bakanteng bench na nasa labas ng convenience store na yun kung saan nila imi-meet si James pero 15mins na ang nakalilipas pero wala pa din ito.

"Hanggang anong oras ba natin siya hihintayin?"

"Hindi makapaghintay Iska?" ang nandidilat na sabi pa ni Flora "Hihintayin natin siya hanggang sa dumating siya!" patuloy nito

"Ha? Okay ka lang? Sabit lang naman siya eh!" ang tila pagmamaktol pa ni Iska

"Ang kulit mo kasi eh. James will be here in a bit. Excited ka lang makausap si Impong Sela kaya ganyan ka!"

"Alam mo pala eh!" nakasimangot na sabi pa ni Iska "Sana naman kasi inagahan niya hindi yang ganito na tayo pa talagang mga girls ang naghihintay sa kanya"

Maya-maya pa ay makikita nang humahangos si James at hindi ito magkanda-dala sa mga bitbit na chichirya at iba pang mga pagkain.

"Sorry girls sobrang late ako. Nag-grocery pa kasi ako dahil alam kong mahaba ang byahe natin at baka tayo gutumin - mabuti na yung handa tayo diba?" anito pagkalapit sa kanila

"Kita mo na Iska, kaya pala late si James dahil concerned siya sa mga tiyan nating magugutom sa byahe samantalang ikaw puro ka nasaan na si James? Darating pa ba yon? Sana inagahan niya. blah blah blah..." ani Flora sa nakasimangot pa ding si Iska

"Bakit Flora, nainip ba si Iska sa pagdating ko?" si James na sumulyap pa sa nakasimangot na si Iska habang isa-isang ipinapasok sa likod ng kotse ang nga bitbit niya.

"Oo noh! Kung alam mo lang kung gaano na yan kainip. Hindi ko nga alam kung sa kabagalan mo yan naiinis kasi atat ng makausap si Impong Sela o naiinis yan kasi gusto ka na niyang makita - kaso ang bagal-bagal mo" ani Flora sa nanunuksong tono

Sasagot na sana si James pero naunahan siya nang nagba-blush na si Iska.

"Pwede ba Florabel!?!" ang nandidilat na sabi pa ni Iska "Kung aalis tayo eh umalis na tayo at sayang ang oras hmp!" patuloy nito na humalukipkip pa

"Eh bakit nagba-blush ka ha?" ani Flora na itinuro pa ang pisngi ni Iska na namumula pa

"Ah ewan! Papasok na ako sa loob ng kotse. Let's leave na okay?" ani Iska sabay nagmartsa na papasok sa loob ng kotse

Nagkatinginan nalang sina Flora at James sa inasal na yon ni Iska.

***

Pagkahimpil na pagkahimpil ni Flora sa kotse niya ay namataan nila ang naghihintay na si Badong sa harap ng bahay ni Impong Sela.

Malayo-layo pa sila ay tinext na ito ni Flora at sinabing doon nalang sila hintayin nito.

"Oh babe kanina ka pa?" ani Flora nang salubungin siya ni Badong nang makababa na siya sa kotse.

"Hindi naman, halos kadarating ko lang" anito naman kay Flora matapos ba humalik dito "Oh 'insan kasama ka pala nila!" baling nito sa palapit naman na si James

"Oo 'insan. Nung nalaman ko kasing dito punta nila eh sumama na ako. Mabisita ko man lang kayo ni Lola" ang masaya namang sabi nito

"Ayos yon 'insan!" ang masayang sabi pa ni Badong "Eh teka pala, ba't ura-urada yata ang pagbisita nyo?" pagkuwa'y tanong nito

Hindi sumagot si James bagkus ay tumingin lang ito kay Flora. Si Flora naman ay inginuso ang nananahimik sa likod ni James na si Iska.

"Okay gets ko na kung bakit" ang nakangiting sabi ni Badong ng sundan ng tingin ang inginunguso nang nobya "Oh paano, tara na sa loob? Kanina pa kayo inaantay ni Impong Sela eh"

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon