-39-

230 9 0
                                    


Pagkuwa'y natahimik silang dalawa at nagpakiramdaman na lang. Malakas pa din ang ulan sa labas.

Magsasalita pa sana si Iska pero nagulat siya sa malakas na kidlat. Dumagundong talaga ito at feeling niya ay liliparin ang tinutulugan nilang tent sa lalong lumalakas na ulan.

Awtomatikong napalapit siya sa kinauupuan ng binata at naidikit ang mukha niya sa mukha nito sa sobrang takot.

Si James naman ay napatingin bigla sa dalagang nakadantay sa gilid ng mukha niya kaya pagharap niya dito ay swak ang nguso niya sa nguso ni Iska.

Nanlaki naman ang mata ni Iska sa pagkabigla at naitulak ang binata sa gulat.

"S-Sorry. 'Di ko sinasadya Iska" ani James ng mahimasmasan

Hindi naman maka-imik si Iska. Nakatingin lang ito kay Jamea habang hawak ang nguso niya.

"M-Matutulog na ako!" yon nalang ang nasabi niyabsabay talikod sa binata.

Oo nga't nakatalikod na siya ngayon sa binata ngunit ang diwa niya ay gising na gising pa.

Hindi kasi sukat akalain ni Iska na ang magiging first kiss niya ay hindi ang pinapangarap na si Jaime kundi si James pala.

Habang si James naman ay nananatiling nakaupo at pinagmamasdan ang nakatalikod na dalaga sa kanya.

Hindi man sinasadya na madampian ng labi niya ang labi nito ay heaven pa din sa pakiramdam niya. 'Pagkat sa maikling panahon na nakasama niya ito ay minahal na niya ang dalaga.

***

"Good morning!" ani Flora na hihikab-hikab pa paglabas ng tent nila ni Badong at mabungaran sina Iska at James na nasa labas na nang tent at tila mga tulala. "Hala ano nang nangyari sa inyo kagabi at tulala kayong pareho ngayon?" ani pa nito nang hindi pa din siya pinapansin ng dalawa.

"Babe hayaan mo na nasa shock state pa yata yung dalawa dahil sa kalokohan mo kagabi" ani Badong na nakasunod na pala sa kanya sa labas

"Mukha nga!" ani Flora na sumang-ayon pa sa sinabi nang nobyo at tila hindi maitago ang ngiti "So paano? Tayo nalang bumili nang almusal sa labasan at wala tayong aasahan sa dalawang ito" sabay yaya ni Flora sa nobyo

"H-Hindi. Ako na lang sasama kay 'insan. K-Kayo nalang ni I-Iska ang maiwan dito" ani James na tila natauhan na

"Sa wakas natauhan na din!" ani Flora "Oh siya sige 'kaw ng sumama diyan sa babe ko. Kayo na bahala sa aalmusalin natin"

Nang makaalis ang dalaw ay nilapitan naman ni Flora ang kaibigang tulala pa din.

"Hoy Iska anong pag-iinarte na naman yan?" untag naman nito sa kaibigan

"Ha? Ano kamo yon Flora?"

"Ay sus, baka kaya ka ganyan kasi may nangyari kagabi ano? Aminin mo!"

"H-Ha? G-Grabe ka naman! W-Wala lang ako sa mood. A-Ano ka ba?!?" ani Iska na nagkakandautal na

"Hahaha hindi ka makakapagkaila sa akin! Kilalang-kilala kita Francisca! Hala, amin na!" pangungulit pa ni Flora sa kaibigan

Bumuntong-hininga na muna si Iska bago nagsalita "W-Wala nga!" pagkuwa'y anito

"Francisca ha! Hindi mo ako mapaglilihiman! Alam kong may something! Hala, spluk na!" pangungulit pa nito

Isang buntung-hininga pa at nagsalita na si Iska "Okay fine!"anitong napipilitan na

***

"Ano 'insan? Hahaha ayos yon, first base ka na pala eh!" ang tuwang-tuwang sabi pa ni Badong makaraang kulitin nito si James at ikwento ang nangyari kagabi.

"Awkward kaya! Saka nahihiya ako kay Iska baka sabihin nagsamantala ako kagabi" ang namumulang sabi pa nito

"Ayun lang! Kailangan maibalik mo tiwala non sayo kasi pag nailang ng nailang yan sayo, patay na! Goodbye love life na!" iiling-iling pang sabi nito

"Ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin?"

"Alam mo para makatuluyan mo yang si Iska dapat huwag mong tigilan, yun lang yon." anito "Saka kahit ipakita niya sayo na ayaw niya sayo huwag lang mawalan ng pag-asa. Pursigido dapat, ganon!"

"Okay, tandaan ko yan. Hindi ko dapat siya sukuan dahil lang ayaw niya sa akin"

"Yan, ganyan dapat!" ani Badong na tuwang-tuwa at inakbayan pa ang pinsan

***

"What?" ani Flora na hindi mapigil ang tuwa sa narinig na kwento ni Iska "Kaloka yon! But I love it!" kinikilig na sabi pa nito

"Waahhh Flora! Hindi dapat nangyari yon. Hindi pa man nakapagtaksil na ako kay Jaime ko!"

"Gaga! Walang kayo kaya hindi mo pa siya napagtaksilan. Kalokang 'to!" nakataas kilay na sabi pa ni Flora

"Ah basta! Hindi ko hahayaang mangyari pa ulit yon. Jaime's my soulmate period!"

"Soulmate mo nga siya pero si James naman ang destiny mo!" mapang-asar na sabi pa nito kay Iska.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon