-48-

193 8 0
                                    


Matapos na magmerienda ay bumalik na sila sa sala.

"Dali check na natin cp ni Jaime" ani Flora na halatang excited

"Oo eto na nga!" ani Iska na tatawa-tawa pa habang paupo sa pagitan nila Flora ay James sa isang pahaba at malambot nilang sofa

"Ay naku, may code pala cp niya. Paano ngayon yan?" ani James na biglang nag-alala na hindi na nila mabubuksan ang cellphone ni Jaime

"Teka, baka birthday naman niya ang code nito" ani Iska "0327" sabi pa ni Iska habang nagta-type ito - '0327' dahil March 27 ang birthday ni Jaime

"Naku, wrong code!" si James "Paano yan?" worried na tanong pa nito

"Teka, baka birthday ni Chelsea ang naka-code diyan?" si Flora "Alam mo ba birthday niya Iska?" patuloy nito

"Yun lang, hindi ko din alam birthday niya!" malungkot na sabi pa ni Iska "Ikaw James alam mo ba?" baling naman ni Iska sa katabing si James

"Hindi din eh!" palatak nito

"Teka, try muna natin birthday mo Iska, baka sakali diba?" si Flora

Halata namang kinilig si Iska sa sinabing yon ni Flora na sinimangutan naman ni James.

"Oy Iska huwag kang masyadong kiligin, sabi ko 'baka sakali' okay?" ani Flora sabay inirapan naman siya ni Iska "Ayoko lang mag-assume ka friendship" patuloy nito

"Oo na! Teka, i-type ko na nga" ani Iska sa tonong naiinis na "0924" patuloy ulit nito habang itina-type ang birthday niya - '0924' dahil September 24 naman ang birthday niya

"Yaiks, wrong code din eh!" si Flora "Oh ayan na nga ba sinasabi ko, paano kung nag-assume ka diba?" patuloy niyo habang nakatingin sa naiirita nang si Iska

"Okay fine! Kaninong birthday naman?" si James

"Kay Flora!" si Iska sabay type nito "0415" sabi ulit ni Iska while typing the numbers - '0415' dahil April 15 naman ang birthday ni Flora

"Wrong code pa din eh!" ani Flora na nakanguso na

"Dalawang birthdays na lang ang hindi pa natin nata-try na i-input sa code ng cp na 'to" si Iska

"Yung sa akin at kay Chelsea?" ani James

Tumango naman si Iska

"Bakit nyo naman iisipin na possible na birthday ko ang code niya?" usisa ni James

"Wild guess lang, masama ba yon?" si Flora

"Eh paano kung wrong code pa din?" si James ulit

"No choie na tayo nyan kundi humanap ng way para makuha ang birthdate ni Chelsea" si Iska "So kailan nga birthday mo James?"

"October 11" maikling sagot naman ni James

"Bale 1011 ang input ko naman dito" sabi ni Iska habang nagta-type na muli sa cellphone ni Jaime

Matapos non ay bumukas na ang cellphone ni Jaime.

"Ayos! Nadale din natin code ni Jaime" ani Flora nakipag-high five pa sa katabing si James

"Nagtataka lang ako bakit alam ni Jaime birthday mo" si Iska

"Malay ba natin na may kilala pa siyang iba na pareho nang birthday ni James diba?" si Flora "Huwag nga kayong assuming!" patuloy pa nito

"Sabagay, malay ba natin kung ka-birthday mo si Chelsea ano?" sang-ayon naman ni Iska

Tumango naman si James sabay sabing "Ano tara, check na natin yan dali" may excitement sa tono nito habang nakatingin sa cellphone na hawak ni Iska

"Teka ito na nga oh!" sabay sabi ni Iska habang inuumpisahan ng i-check ang cellphone ni Jaime

"Eh wala naman pala tayong mapapala sa messages niyan eh. Puro pagpapa-cute lang pala yan eh" ani Flora na may halong pagkadismaya nang makita ang nilalaman ng messages nito. Paano kasi ay panay text message lang na galing kay Chelsea ang nabasa nila doon, kung saan magkikita, assignments nila etc. Wala man lang silang nakitang text na kakaiba.

Kita naman ang lungkot sa mukha ni Iska "Huhuhu Florabel! Mas malakas yata ang gayumang taglay ni Chelsea kesa sa atin! Tignan mo parang sa kanya naman haling na haling si Jaime!" ani pa ni Iska nang ma-realized na mas tinitext ito ni Jaime kesa sa kanya

"Sshhh manahimik ka nga diyan Iska! Nakakahiya kay Manang Mercy baka sabihin kung inaano ka namin" si Flora

"H-Huwag ka nang malungkot diyan Iska, nandito naman ako eh!" singit ni James

"Asus, yun yon eh!" ani Flora "Ano iiwan ko na ba kayong dalawa diyan ng makapagsarilinan kayo gaya ning nandoon tayo sa camp site?"

Naalala na naman ni Iska ang eksena nila sa loob ng tent ni James. Naramdaman niya ang pamumula nang pisngi niya. Si James naman ay hindi makatingin ng diresto kay Iska.

"Nakupo, ayan tayo eh!" si Flora ulit "Kung may something na sa inyo eh tigil-tigilan na yang panggagayuma sa iba, okay?" patuloy nito na kay Iska pa din nakatingin

"T-Tse! M-Manahimik ka nga diyan Flora!" ani Iska nang makabawi

"Hahaha nasukol na pero dedma pa din. Patunay kaya yang pag-stammer mo friendship." ani Flora na hindi na tumigil sa pang-aasar

"H-Hindi ko alam ang s-sinasabi mo Florabel. K-Kaya pwede ba, ituloy na natin ang pagbutingting sa cp na ito nang matapos na tayo?" pag-iiba ni Iska sa usapan

"Ooookay! Saaabbi moooo ehhhh" sabi Flora sa tonong may pang-aasar pa din

Inirapan lang siya ni Iska habang ini-scroll up and down un messages. Pati sim folder ay binulatlat na din niya. Tapos ay sa photos naman then videos - pero wala pa din - puro selfiea lang ni Jaime ang nandon at ang panaka-naka'y pagsali sa shots ni Chelsea kaya naman sumama na naman ang loob ni Iska.

"Teka, may napansin ako Iska" si James.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon