-40-

224 10 0
                                    


Pagbalik nila James at Badong ay tahimik silang nag-almusal.

"Tara, swimming muna tayo bago man lang tayo umuwi" yaya ni Flora sa nobyong si Badong

"Sige tara!" anito naman

"Eh kayong dalawa? Anong plano nyo? Tumunganga na lang diyan? Tara, swimming tayo" ani Flora sa dalawa bago lumusong sa dagat

"S-Sige una na kayo! Sunod na lang kami" ani James

"Okay! Basta sunod kayo ha! Intayin namin kayo don" ani Badong

Halos sabay na tumango ang dalawa.

***

"Tignan mo yung dalawa oh, enjoy na enjoy sa pagsu-swimming" ang hindi nakatiis na sabi pa ni James kay Iska

"M-Minsan lang naman kasi kaya ini-enjoy na nila." sagot naman ni Iska na sa dapat pa din nakatingin

"Ahm Iska" pasakalye ni James "P-Pasensya ka na sa nangyari kagabi ha. H-Hindi ko talaga sinasadya yon!" hinging paumanhin pa nito sa kanya

"A-Ayos lang naman. Aksidente ung nangyari eh. Ganon talaga" ani Iska

"S-Salamat" ani James sa tonong nahihiya

***

"Oh ba't hindi na kayo sumunod?" ani Badong ng makabalik na sila ni Flora

"Oo nga inaantay pa naman namin kayo" si Flora na tinutuyo pa ang katawan ng twalya

"Hindi okay lang." si Iska "Wala din akong ganang mag-swimming"

"Eh ikaw James, ba't hindi ka sumunod?" si Badong habang nakatingin sa pinsan niya at hinihintay ang sagot nito.

"Ayokong magbasa ngayon ng katawan, mas feel kong sa bahay na lang pag-uwi natin" sagot naman nito

Makahulugang nagkatinginan ang mag-nobyo palibhasa ay alam nila pareho ang nangyari sa dalawa noong nakaraang gabi. At duda silang may nangyayaring awkwardness sa dalawa pero ayaw magsi-amin pareho.

***

"Oh ano ready na ba kayo? Na-check nyo ba kung ma naiwan pang gamit natin?" ani Badong sa mga kasama

Sabay-sabay namang umiling ang tatlo.

"Wala na babe. We can go now!" si Flora na ang nagsalita para sa dalawa

"Okay. Let's go now!" si Badong "Ay teka pala, paano yung game kagabi, considered tapos na ba yon kasi..." patuloy ni Badong na kakamot-kamot pa ng ulo

"Kasi ano Badong?" si Iska ang nagtanong

"Kasi ano... K-Kasi pauwi na tayo. Yon tama, kasi pauwi na tayo hehe"

Inirapan muna ito ni Iska bago nag-kumento "'Kala ko kung ano na naman eh!"

"Bakit may iba pa ba Iska? Bakit tila yata bothered ka? Is there something wrong friendship?" anang mapang-asar na si Flora

Pinanlakihan ni Iska nang mata ang kaibigan tanda na pinatatahimik ito bago nagsalita "Hay naku tayo na ngang umuwi at walang mangyayari sa atin dito kung hindi pa tayo kikilos"

"Sus, change topic daw ang dapat 'pag talagang wala nang maisagot sa tanong na 'medyo' personal" si Flora

Inirapan na lang siya ni Iska at sabay-sabay na silang lumabas ng resort.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon