-17-

331 10 0
                                    


"Friendship, nakita mo ba itsura niya kanina? Shit nagseselos siya at kinikilig ako!" ani Iska na halos himatayin sa kilig habang kausap sa telepono ang kaibigang si Flora

"Hala oh mamatay-matay sa kilig!" ang natatawang sabi pa ni Flora

"Friendship ang saya-saya-saya ko lang talaga!" at tumili pa si Iska

"Teka, tigilan mo nga muna yang kilig mo at natutulili ang tenga ko!" ani Flora na hindi malaman kung matatawa o maiinis sa kaibigang parang bata ngayon sa sobrang kilig

"Pagbigyan mo na ako friendship, kita mo naman minsan lang ito!" ani Iska "Samahan mo nga ako ulit kay Impong Sela nang makapagpasalamat naman ako nang personal sa kanya" pagkuwa'y sabi pa ni Iska nang medyo mahimasmasan sa kilig

"Sure friendship ahihi" ani Flora na mukhang kinilig din sa kabilang linya

"Hala oh kinilig din siya!" puna naman ni Iska sa kaibigan, alam niya kasing ang kilog nito ay para sa kasintahang si Badong

"Ang lagay ikaw lang ang masaya at kinikilig diyan friendship? Syempre dapat ako din"

"Hahaha wala naman akong ibang sinasabi ah!" ani Iska

"Kaya nga, pinangungunahan na kita just in case sabihin mo diba?"

"Defensive lang ang peg?"

"Naman!" ani Florang natawa na nang tuluyan sa kabilang linya na sinegundahan pa ni Iska nang tawa din "Ay teka, maiba ako. Hindi pa ba natin ibabahagi kay James ang sikreto natin? Ay sikreto mo lang pala" patuloy nito

"Gaga, natin yun. Sikreto natin! Pakana mo yang gayu-gayuma na yan tapos sasabihin mo ako lang?"

"Oh bakit sino ba ang nag-benefit sa lintik na gayuma na yan - ako ba?"

"Okay fine, sabi ko nga sikreto ko lang eh haist"

"Okay, mabuti na yung malinaw. So ano nga? Sasabihin ba natin sa kanya? Nagmumukha na siyang tanga kakatanong eh naawa naman ako"

"Wow, may awa factor pang nalalaman?" ang kumento pa ni Iska "Okay fine para matapos na 'to, once we're back pagkagaling natin kay Impong Sela eh sasabihin na natin aa kanya ang sikreto ko, ano ayos ba yon?"

***

"Oh ba't sambakol mukha mo diyan 'Day?" ani Flora nang makita siya sa sulok ng Quadrangle at nag-e-emote "Ano na naman issue mong babae ka?" anito pagkaupo sa tabi niya

"Iniisip ko kasi kung talagang effective ang gayuma ni Impong Sela eh di dapat nagkakandarapa na sa akin ngayon si Jaime"

"Malay mo gradual lang ang effect. Excited ka lang siguro masyado sa outcome nung gayuma" pangungumbinsi pa nito sa kanya

"Pwede ba yung gradual effect eh dapat nga rapid pa eh? Saka diba sabi ni Impong Sela after 13 days may effect na eh pang ilang araw na ba ngayon diba?" ang malungkot na sabi pa nito

"Sabagay!" sang-ayon naman bigla nito "Pero diba lumapit na ulit siya sayo, naging friends na kayo ulit yun nga lang may excess baggage na kasama sa offer niyang friendship pero at least diba lumapit siya" patuloy nito

Tinignan lang siya ni Iska at tumingin na ulit ito sa malayo sabay bumuntong-hininga

"Saka diba sabi mo mukhang nagseselos sa pang-aasar ko sa inyo ni lucky charm mo?"

Tumango lang si Iska.

"Oh malay mo sunod niyan ayain ka nang pakasal nung tao"

"Ang OA Florabel ha! Kasal agad talaga?"

"Ayaw pa, kasal na nga oh!"

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon