-27-

250 8 0
                                    



"Damn, I hate that woman talaga!" ani Iska nang makapasok na sa loob ng bahay

Iginala na muna niya ang tingin sa buong paligid. Karamihan sa mga gamit doon ay maalikabok na at ang flooring ay butas-butas na, puro agiw na din ang mga kisame at may mga daga pa siyang nakitang tumakbo sa may kusina ng bahay.

"Iska, okay ka pa ba?" ani James na nagsalita mula sa likuran niya

Napahawak si Iska sa dibdib niya sa gulat.

"Grabe ka James ginulat mo ako eh" ani Isla nang makabawi sa pagkagulat

"Pasensya kana Iska, worried lang ako sayo"

"Do I looked okay? Sa totoo lang James ayoko nang ganito kasi matatakutin ako pero nasaan ba tayo ngayon?" ang mangiyak-ngiyak na sabi pa ni Iska

"Gaya nang sabi ko kanina Iska, nandito naman ako, kaya hindi ka dapat matakot. I can take care of you" seryosong sabi nito

"Hindi ko na alam ang iisipin ko James. Natatakot talaga ako" kitang-kita ang takot sa mga mata ni Iska

Napatalon sa takot si Iska nang makarinig sila nang ingay mula sa itaas ng bahay.

Nagkatinginan sila ni James.

"A-Ano yon?" ani Iska sa kausap na si James "N-Nasa labas pa sila Flora diba?" tumango naman ang tinanong na si James

"Tara lumabas na muna tayo" ang yaya niya kay James "Hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa bahay na ito"

***

"Oh ba't lumabas na kayo? Papasok pa lang kami ni Badong eh" ani Flora ng makita silang palabas ng bahay.

Nasa loob na ng bakuran ang dalawa at kasalukuyang inaayos ang tent na gagamitin nila mamayang gabi sa camping.

"I do not like this place Flora. May mga weird sounds kaming naririnig from upstairs" ang sabi pa ni Iska

"Grabe ka Iska, natatakot ka sa loob ng bahay na yan considering na umaga at maliwanag pa, eh pano pa kaya mamayang gabi?" ang natatawang sabi pa ni Flora

"Kaya nga huwag na tayo dito!" ani Iska na umiiyak na sa takot

"Okay ganito nalang. Let's stay inside until after lunch and then dito na tayo sa labas" ani Flora na sumeryoso na

Tumingin muna si Iska sa dalawa pang kasamang lalaki bago ito tumango na tanda nang pagsang-ayon.

"Thanks Iska. I don't mean to hurt you naman talaga eh. Gusto ko lang kasi talagang ma-experience ang ganito. Yung mag-ghost hunting in broad daylight" ani Flora na lumapit pa kay Iska at hinagod ang likod nito

Naintindihan naman siya nang dalaga at tumango na lang ulit ito. Ayaw man niyang mag-stay pa sila doon ay minabuti nalang din niyang pumayag alang-alang sa kagustuhan ng kaibigan niya.

Pagkaraan ay sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng bahay.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon