-16-

313 8 0
                                    


"Oh hanggang dito ba naman sa tambayan text ka pa din ng text diyan ha James?" ani Flora isang hapon na sabay-sabay sila nila Iska upang i-meet sina Chelsea at Jaime sa cafeteria na nasa labas ng campus. Cafeteria kung saan nabuo ang pagkakaibigan nila.

"Eh sino ba kasi yang pinagkakaabalahan mo p're?" singit naman ni Jaime

"Ha? Ito ba? Naku, wala ito textmate ko lang. Pampalipas ng boredom sa maghapon haha" ani James pagkaraang maupo ito sa tabi ni Iska

"Wow, pampalipas boredom daw eh sa buong araw na kasama ka namin wala ka nang inatupag kundi yan." ang nakasimangot na sabi pa ni Iska "Eh sino ba kasi yan?" ang usisa pa rin ni Iska

"Sus, kung makapagtanong parang GF ah!" palipad hanging sabi pa ni Flora habang gumagala-gala ang mga mata sa kisame

"A-Ano kamo Florabel? Parang may nadinig akong sinabi mong hindi ko nagustuhan" ang mas sumimangot pang sabi ni Iska

"Hindi daw nagustuhan pero parang gustong ipaulit" ang tatawa-tawang sabi pa nito

"Ah ganon ah?" sabay tayo ni Iska at binigyan ng pinong-pinong kurot sa tagiliran ang kaibigan

"Aray! 'To namang si Iska hindi na mabiro!" ani Flora habang hawak ang nasaktang tagiliran habang sina James, Jaime at Chelsea naman ay tatawa-tawa lang na nanonood sa kanila

"Dapat lang sayo yan, ang tabil kasi nang dila mo!"

"Hahaha enough na girls baka magkapikunan pa kayo" pigil ni James sa dalawa "At yaman din lang na curious kayong malaman kung sino ba itong katext ko eh ipapakilala ko siya sa inyo sa..."

Lingid naman sa lahat ay lihim na nagtinginan ng makahulugan ang magkaibigang Chelsea at Jaime. Iniiwas naman bigla ni Jaime ang paningin niya dito na para bang nagi-guilty na kung ano.

"...sa tamang panahon!" dugtong pa ni James

"Labo naman non!" iiling-iling na sabi pa ni Flora "Excited pa naman itong si Iska na malaman kung sino ba talaga yang chicks mo at kikilatisin pa yata kung pasado sa taste niya haha"

Pinanlakihan ni Iska nang mata si Iska kaya medyo nanahimik ito.

"Huwag mo namang ibuko si Iska, ayan oh pulang-pula na kakatukso mo" ani Chelsea na tila ba palagay na ang loob sa mga kaharap

"Totoo ba yan Iska? May something kayo ni James?" ang seryosong usisa naman ni Jaime

Natigilan naman si Iska sa tanong na yon ni Jaime pagkat tila yata selos ang nakikita niya sa mga mata nito "Jusko, hihimatayin yata ako!" sa loob-loob ni Iska

"H-Huwag mo ngang pinag-iintindi yang dalawa na yan, wala namang ginawa yang mga yan kundi buskahin ako eh" ani Iska

Tila yata umaliwalas ang mukha bi Jaime matapos na malaman na wala lang pala ang panunukso sa kanila ni Flora.

Si Chelsea naman ay lihim na napa-ismid sa nakitang reaction na yon ni Jaime.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon