-29-

234 9 0
                                    


"A-Ano kaya yon James?" ani Iska ba bumalik na ang takot sa katawan

"Baka yung dalawa lang yon, umakyat na sa taas" sagot naman bi James na pinagagaan ang takot ng katabing si Iska

"Ano yon?" ani Flora na nanggaling mula sa sala kasunod ang nobyo nito

Nagulat pareho sina Iska at James aa presensya nang mag-nobyo.

"H-Hindi ba kayo yung nag-ingay sa taas?" ani James

"Kanina pa kami sa sala. 'Kala nga namin kayo yon eh" ani Badong na hindi mo kababakasan ng takot sa katawan ganun din naman ang katabi nitong si Flora

"K-Kung hindi kayo yon at lalong hindi kami yon - eh sino yon?" ang nahihintakutang tanong ni Iska

"Shit! Eh sino nga yon?" ani Flora "Baka may nakatira sa bahay na ito, a drug user perhaps. Can you check upstairs boys?" patuloy nito

"You think so? Drug user agad? Ayaw mong isiping baka multo yon?" ani Iska dito

"Iska, a drug user can harm us kaya dapat na yun ang una talaga nating isipin before anything else" anito kay Iska na ngumiti pa

Nagkibit-balikat nalang si Iska.

"Ano akyat na kami ha!" paalam ni Badong sa mga babaeng kasama "Tara na sa taas 'insan! Dala pala tayong kahit anong pwedeng ipanghataw" sabi pa nito

"Ito pwede na ba?" ani James habang pinapakita kay Badong ang kawaling hawak

"Oo, pwede na yan!" sabi pa nito sabay kuha naman nito sa dos-por-dos na namataan niya sa gilid "Eto meron na din ako! Tara na!"

"Ingat kayo ha!" pahabol na bilin ng dalawang babae na naiwan sa kusina.

***

Matamang naghihintay sina Iska at Flora sa dining table. Kapwa sila ngayon nakaupong magkatabi at nakatalikod sa hagdan.

Wala pa halos 5 minutes na nakakaakyat ang dalawa subalit abot-abot pa rin ang kaba nila.

Kinakabahan si Iska dahil sa posibleng pagpaparamdam ng resident ghost sa bahay na pinasok nila.

Hindi yata niya kakayanin kung sakaling sa kanya mismo ito magparamdam. Panay na ang dasal ni Iska na huwag naman sana.

Samantalang ang kaba naman ni Flora ay baka pinamugaran na nang mga drug addict ang bahay kung saan ngayon naroon.

Sa loob-loob ni Flora, wala naman talaga silang balak na pasukin ang condemned house na ito. May nag-tip lang sa kanila ni Badong na ito ngang lugar na ito ay pinaniniwalaang haunted.

Naisip din kasi niyang mas magiging close ang dalawa - Iska and James - kung may halong katatakutan ang lakad nilang ito. Kaya inilihim nila ni Badong ang pakay at kanina lamang nila ipinaalam sa dalawa.

"Sus, pusa lang pala yung maingay sa taas eh." ani Badong na nagpagulat sa dalawang dalagang matamang nag-iisip.

"Jusko Babe, papatayin mo ba kami sa gulat nitong si Iska ha?" ani Flora habang hawak ang dibdib sa sobrang gulat.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon