-32-

226 9 0
                                    


"Ano, okay kana ba Iska?" ani James ng magkamalay na ulit si Iska.

Pagkakita ni James kay Iska ay dali-dali siyang pumasok ng bahay at umakyat sa taas, dumiretso siya kaagad sa terrace kung saan niya ito nakitang nawalan ng malay.

Kasunod niya noon ang nag-aalalang si Flora at ang nobyo nito.

Binuhat na ni James si Iska pababa ng hagdan at palabas ng bahay. Pagdating sa bakuran ng bahay ay inihiga niya ito sa isa sa mga tent na itinayo nila doon.

Makalipas ang kalahating oras ay nagising na ito at tila nagulat pa nang makita si James na nakaupo sa ulunan niya at pinagmamasdan siya.

Sa nakitang itsura ni Iska ay inulit ni James ang tanong niya dito "Ano, okay kana ba Iska?" aniya sa nag-aalalang tono

"I-Ikaw na ba talaga yan James?" ani Iska na nanginginig pa din sa takot

"Oo, ako nga ito"

Sa narinig ay napayakap si Iska sa binata.

Sabay pasok naman nang mag-nobyo sa tent.

"Ahm, Iska.. Kumusta na ang pakiramdam mo?" ani Flora na nagpipigil mangbuska dahil sa eksenang kanilang naabutan

"Flora!" ani Iska at yumakap naman ito sa kaibigan

"Teka, ano ba ang nangyari?" usisa naman ni Badong

Bumitiw muna sa pagkakayakap si Iska kay Flora bago ito nagsimulang magkwento sa kanila nang nangyari. Simula nang makita niya si James na kumakaway sa terrace hanggang sa makita niya yung nakaputing babae at mawalan ng malay.

"Shocks! M-May nagmumulto pala talaga sa bahay na ito!" ani Flora na gulat na gulat sa ikinwento ni Iska

"Doppelganger pa nga yata diba? Akalain mong gayahin ako!" ani James

"Naniwala kana sa akin Flora?" ani Iska sa pagitan ng pagsinghot at pag-iyak habang nakatingin ito kay Flora "Umalis na tayo dito!" pagkuwa'y sabi niya sa lahat

"Oo, aalis na tayo dito!" ani Flora sabay yakap na muli sa kaibigang takot na takot pa din "Babe, let's pack up na! Kelangan nating makaalis bago dumilim." sabay baling sa nobyong si Badong

"Okay sige!" ani Badong na lumabas na sa loob ng tent sabay yaya sa mga kasama

***

Makalipas ang dalawang oras ay makikita na ang magkakaibigang palabas na nang bakuran ng lumang bahay na iyon.

Dahil gusto na nilang makalayo nang tuluyan sa lugar ay minabuti na nang grupo na magtatakbo patungo sa sakayan ng jeep, iniwan kasi nila ang kotse ni Flora sa bahay ni Impong Sela at nag-commute nalang sila.

Hingal na hingal sila nang makarating sila sa sakayan ng jeep. Naabutan nila ang mangilan-ngilang pasahero sa naghihintay ng jeep.

Pagkaupo nila sa loob ng jeep pagkaraang may dumating na isa ay mataman silang pinagmamasdan ng mga sakay nito. Nagtataka sila tiyak bakit tila galing sa takbuhan ang grupo.

May isang pasaherong lalaki na katapat ng apat sa upuan ang hindi nakatiis at nagtanong sa kanila habang nakahimpil pa ang jeep at hinihintay na mapuno ito.

"Mukhang malayo ang pinanggalingan ninyo at hingal na hingal kayo" anito na palipat-lipat ang tingin sa apat

"Hindi naman po ganun kalayo." ani Flora sa pagitan ng paghingal "Diyan lang po kami sa ikatlong kanto galing, Gumamela St. po" aniya pa dito

"Gumamela St." anito na tila nag-iisip "Galing ba kayo sa lumang bahay?". 

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon