-41-

222 9 0
                                    


"Hindi na ba namin kayo mapipigilan?" ani Impong Sela nang magpaalam na sila dito matapos ang isang linggong bakasyon

"Hindi na po Impong Sela, isang linggo lang po ang ipinaalam namin. Sa sunod po siguro medyo hahabaan na namin ang paalam" si Flora

"Ah eh di sige kung ganon. Ingat na lang kayo sa byahe ha" anito sa dalawang dalaga

"Opo Impong Sela, salamat po" si Iska

"Oo sige" tatango-tango pa ito "Yung gayuma mo nga pala, gaya nang sabi ko sabayan mo nang dasal para magtagumpay ka." patuloy nito upang paalalahanan ang dalaga

"Opo, tatandaan ko po yan" at ngumiti pa siya kay Impong Sela

Tumango ulit ito sa kanya.

"Ikaw James, hindi ka ba magpapagawa nang gayuma sa lola mo bago ka tumulak pa-Maynila?" ang siko ni Flora sa tahimik na binata

Tinignan siya nang matanda sabay sabing "Magpapagawa ka din ba apo?" seryosong sabi nito "Sa gandang lalaki mong yan, manggagayuma ka na din? Naku, ano bang nangyayari sa mundo at ang dami nyong naghahangad ng pagtingin ng taong mahal nyo? Eh kung tutuusin 'di naman na kailangan niyan kung talagang mahal ka din nung taong mahal mo" anito pa

Si Iska naman ay tila napahiya sa sinabing yon ni Impong Sela.

"H-Hindi po lola. Huwag po kayong maniwala diyan kay Flora. N-Nagjo-joke lang po yan!" kakamot-kamot ng ulo pang sabi niya

"Mabuti kung ganon. Basta ayoko lang na gagamit ka din niyan para lang mapasayo ang babaeng gusto mo. Marami namang paraan para magustuhan ka din niya" at hinarap na talaga siya nito

"H-Huwag po kayong mabahala Lola, hinding-hindi po ako gagamit niyan" aniya pa sabay pakita nang pilit na ngiti

"That's my apo!" ang nakangiti pang sabi nito sa apo sabay gusot ng buhok nito

"Naks, ang sweet nyo pong mag-lola" ani Flora "Saka, joke lang po talaga yung sinabi ko kanina. Ganyang naka-first base na kailangan pa ba nang gayuma?"

"First base?" ang nagugulumihanang sabi pa ni Impong Sela "Naku apo, ipakilala mo nga sa akin ang babaeng nagugustuhan mo nang makilatis ng lola"

"In time, ipapakilala din siya sayo ni Coy, Impong Sela. Sa ngayon kasi need pa nang time para maka-second base!" si Badong

Hindi makapag-react si Iska dahil ayaw niyang magka-idea ang matanda na siya ang tinutukoy ng mga ito base sa tinatakbo nang usapan.

"Oh ba't ang tahimik ni Iska? Saka ba't namumula ka yata? Something wrong honey?" si Flora ulit

"Bakit napaano ka ba hija?" si Impong Sela na worried na

"N-Naku, wala po ito Impong Sela. H-Huwag nyo nalang po silang pansinin" ang tila nahihiyang sabi pa ni Iska sa matanda sabay tingin ng masama sa mag-nobyo

"Ganon ba?" anito na tila nabunutan ng tinik sa nadinig "Oh siya baka tanghaliin na kayo sa byahe niyan" patuloy nito tila tinataboy na paalis ang magkaibigan

"Sige po, alis na po kami" ang nahihiyang sabi pa ni Iska "Saka, salamat po pala sa pagpapatuloy sa amin dito" patuloy niya pa

"Wala yon hija. Hindi na din kayo iba sa akin"

"Oh pano James una na kami. See you in Manila na lang when you get there" baling naman ni Flora dito

"Oo sige. Kitakits nalang pagbalik ko. Stay muna ako dito for another week. Hindi ko pa maiwan ang lola kong maganda eh" sabay yakap sa lola niya

"Ang sweet nyo talagang mag-lola!" si Flora ulit

"Naman! Loves na loves ko yan eh!" at lalo pang hinigpitan ang yakap sa abuela niya

"Si Impong Sela lang ba talaga loves mo or may iba pang nandito?" nang-aasar na naman si Flora

"Tayo na nga Flora! Ang kulit mo hindi ka na natigil diyan!" ang naiinis na bulong pa ni Iska sa kaibigan bago bumaling sa mag-lola "Ah sige po, alis na po kami. Salamat James, Badong, Impong Sela." patuloy niya

"Walang anuman" anito Impong Sela sabay hawak sa kanya ni Iska "Ikaw ba Iska kilala mo yung nagugustuhan nitong apo ko?"

"N-Naku... A-Ano po kasi..." sasagot na sana si Iska nang yayain na siya ni Flora papasok ng kotse "S-Sige po" sabay paalam niya

"Babe, ingat diyan. Huwag ng magpa-cute sa mga girls ha!" pahabol pa nito "James, pakibantayan ang babe ko ha! Salamat" patuloy nito

***

"May iku-cute pa ba naman ang hipon na yon?" ani Iska na nakapag-kumento nang wala sa sarili habang tinatahak na nila ang daan palabas ng barrio nila Impong Sela. Alas sais pa lang yon ng umaga kaya hindi pa ganun katirik ang araw.

"Ako ba Iska kinakalaban mo na ha? Buti nga niyaya na kita sa kotse eh. Kita mo nga't nasusukol ka na ni Impong Sela tapos ginaganyan mo ang babe ko?"

"Sorry okay? Minsan lang makapuntos ng pang-aasar eh!"

"Umayos ka Iska kundi ilalaglag kita kay Impong Sela sige ka!" pananakot pa nito "Sasabihin ko sa kanyang ikaw ang napupusuan ng apo niya, tignan natin kung bigyan ka pa ulit niya nang gayuma sakaling pumalpak yang pangalawa"

"Huwag mong isiping papalpak. Gagana siya okay?"

"Hahaha I doubt it! For sure, you'll ask for the most effective love potion kapag 'di pa din umepekto yan!"

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon