-25-

293 10 0
                                    


"Saan nyo pa ba gustong tumingin?" ani James sa mga kasamang namimili sa tiangge

"Hindi ayos na ako, ito nalang si Iska ang tanungin nyo" anito sanay turo kay Iska

"Sure ka Babe wala na talaga?" ani Badong sa ka-holding hands na GF

"Opo okay na ako at kung sakaling may kulang pa pwede naman tayong bumalik dito anytime diba Babe?" ang pa-cute pang sabi ni Flora sa BF

"Ano ba yan ang aga-aga eh puro kalandian nakikita ko hainaku naman" ani Iska na nakasimangot na

"Kesa naiinis ka diyan sa ka-sweet-an namin nitong si Badong ko eh i-check mo na kung may kulang pa sa mga pinamili mo ano!" ani Flora

"Fine! Sandali lang check ko" anito sabay hinton sa gilid nang tindahan at isa-isang binulatlat ang mga binili "Wala pa pala akong lotion at saka sabon" anito

"Buti pinatingin sayo ni Flora, may kulang pa pala" anang nakangiting si James

"Okay, yaman din lang na may bibilhin ka pa eh maiwan na namin kayo" anang mapang-asar na si Flora "James, samahan mo si Iska ha at baka mawala yan dito. May pupuntahan lang kami ni Badong" patuloy nito

"Saan na naman kayo pupunta? Magmomotel kayo ano?" pang-aakusa pa ni Iska

"Bakit naman kami magmomotel kung may bahay naman sila Badong?" lalo pang ininis ang kaibigan "Oh siya, maiwan na namin kayo" paalam nito "James - Coy... 'Kaw na bahala diyan sa pasaway kong kaibigan ha. Samahan mo kung saan gusto pumunta para ma-enjoy niya stay niya dito - saka alam mo na, pati company mo dapat ma-enjoy niya rin ahaha" sabay kindat kay James

"Oh sige na 'insan tuloy na kami. Kitakits nalang sa bahay" sabi naman ni Badong at kumamay pa ito sa pinsan nya

"Hoy Florabel!" tawag niya dito pero tuloy-tuloy na itong naglakad habang hawak-kamay ang nobyo

***

"Buti hindi ka napipikon diyan kay Flora, lakas mang-asar eh" ani James matapos na sila ay mamili ni Iska at ngayon ay nagmemerienda na sa isang karinderia

"Anong hindi? Naku, pikon na pikon na nga ako diyan eh!" ani Iska na tumigil sandali sa pagsubo nang pagkain

"Eh bakit hinahayaan mo lang?" curious na tanong nito

"Alam mo mabait naman yan saka matagal na kaming friends niyan. Isa pa, alam ko naman ang dahilan kung bakit ganyan sa akin yan ngayon. Ako pa ba hindi makakaramdam?"

"Alam mo?" lalong na-curious si James

"Oo naman! Alam ko likaw ng bituka niyan eh"

"Eh 'di good at least okay pa din pala kahit inaasar-asar ka niya" ani James "Ahm, Iska... P-Pwede ko bang malaman kung ano yung dahilan?... K-Kung okay lang? C-Curious talaga ako eh" pagkuwa'y nahihiya nitong tanong sa dalaga

Tumingin muna si Iska kay James bago nagsalita "Sure ka hindi mo alam?" matapos na makitang umiling ang clueless na si James ay ibinalik na ni Iska ang tingin sa kinakaing Lasagna "Gusto niya kasi tayong magkalapit ng husto at makalimutan ko na si Jaime"

"A-Ayaw niya kay Jaime?"

"Nung una okay pa, siya pa nga nagsama sa akin sa lola mo eh. Kaso nung na-meet ka niya ayun, ayaw na niya bigla kay Jaime" ang malungkot na sabi pa ni Iska

"Eh bakit nandito kayo ngayon para kumuha nang isa pang gayuma kay lola kung ayaw niya na pala kay Jaime para sayo?"

"Sinamahan niya ako dahil una, titigilan ko na din siya kakakulit ko na kausapin nga si Impong Sela dahil palpak yung unang gayuma niya at pangalawa, para magkasama ulit sila nang pinsan mong si Badong"

"Ahh..." tumangu-tango pa ito "Bakit nga ba pumalpak pa yung una kung lumalapit na sayo - sa atin - si Jaime?" nagtataka ding sabi ni Jaime

"Yun nga din pinagtataka namin nitong si Florabel eh. Ano pa ba ibang dahilan ba't lumapit siya sa atin karay-karay pa ang chaka niyang friend"

"Chaka talaga?" ang natatawang sabi pa ni James "M-Malay mo pa-epekto na gayuma non sa kanya kaya lumapit na siya diba?"

"Nagayuma na ba yung ni hindi man lang ako ma-text kahit 'good morning' o 'hi' man lang? Eh feeling ko nga hindi din ako naiisip non kapag nakahiga na siya sa gabi at papatulog na" ang disappointed na sabi pa ni Iska

"Haha pati talaga yon naisip mo?"

"Oo naman. Kasi ako lagi ko siyang naiisip at kapag lumalapit na siya sa akin para talagang nagkakaron ng spark eh" ani Iska "Kaso sa kanya naman balewala lang..." ang malungkot na patuloy nito

"Aray ang sakit naman marinig non!" ani James sa sarili bago nagpatuloy ito sa pagsasalita "B-Baka akala mo lang wala pero meron din naman palang spark sa part niya. Nainip ka lang siguro kaya ganyan"

"Hainaku James kung alam mo lang na sa tuwing nakikita kitang masaya diyan sa textmate mo eh nalulungkot ako kasi ako wala man lang kakiligan sa text na gaya mo"

"Mukha ba akong kinikilig sa kanya?" manghang tanong ni James

"Opo kaya! Hindi mo ramdam kasi ikaw yan - sarili mo yan - pero kaming nakakakita sayo ang nakakapuna kung pano magningning yang mga mata mo"

"Hahaha talaga ba? Hindi ko pansin yon ha! Basta ang alam ko may mas higit pang nagpapakilig sa akin" ani James na sumeryoso na

"Loko ka! So ano yang katext mo, past time lang?"

"Actually, siya naman yung naunang magtext sa akin. Ramdam ko nga parang nakita na niya ako or kilala niya ako personally pero ako clueless pa din kung sino siya"

"Hala ka, baka stalker mo yan James tapos ini-entertain mo pa" medyo worried na sabi pa ni Iska "Or baka naman si Chelsea yan feelinf mo kilala ka kamo personally eh saka remember nung nagpalitan tayo ng digits?" susog pa ni Iska

"Itsura kong 'to may stalker pa?" natatawa pang sabi ni James "Saka panong naging si Chelsea eh never ko naman naramdaman na may gusto siya sa akin"

"B-Bakit... M-May itsura ka naman ah!" ani Iska na iniiwas ang tingin dito "Isa pa hindi naman komo itetext ka type ka na kaagad diba? Ikaw nga nakikipagbolahan pero past time mo lang siya - so quits lang diba?"

"Naks, ngayon ko lang nadinig sayo yan ah!" parang kinilig pang sabi nito "Sabagay nga! Hayaan mo malalaman ko din yan in the future, ang mahalaga ngayon, nalaman kong 'may itsura pala talaga ako sa paningin mo' Iska"

"Ah ewan ko sayo Colonel James Trinidad!" ani Iska "Tayo na ngang umuwi" sabay yaya niya sa binata.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon