-58-

230 8 0
                                    






Kinabukasan...

"Jaime!" ang tawag ni Iska dito habang nakaupo ito sa isa sa mga benches na nasa quadrangle. Mataman itong nakaupo don at tila nanonood ito sa kasalukuyang basketball practice na nagaganap.

Napag-isip-isip niya kasing tama si Chelsea. Kailangan magkaayos na din sila ni Jaime.

Nakakunot-noong lumingon ito sa gawi niya kaya naman nagmamadali nang lumapit si Iska sa kinauupuan nito.

"Mag-isa ka yata diyan Jaime!" aniya dito nang tuluyan na siyang makalapit dito. Wala ding paalam na naupo siya sa bakanteng upuan sa tabi nito.

"Nasa Library si Chelsea, nagre-research" ang matipid na sagot nito na sa mga nagbabasketball pa din nakatingin "May kailangan ka ba?" pagkuwa'y tanong nito

Huminga muna nang malalim si Iska bago nagsalita "J-Jaime... I know who you really are..."

Napalingon na sa kanya si Jaime. Kitang-kita niya ang pangungunot ng noo nito "What do you mean Iska? Diretsuhin mo na nga ako!"

"O-Okay... Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." ani Iska "I know na... na g-gay ka Jaime" patuloy niya

Nanlaki ang mga mata nito "Who told you that, Chelsea? Si Chelsea ba ang nagsabi sayo niyan ha?" ang naiinis na sabi pa nito "Naku, makakalbo ko talaga ang madaldal na babaeng yan!"

"Huwag ka namang magalit kay Chelsea. A-Ako ang pumilit sa kanya para magsalita siya"

Bumuntong-hininga muna ito bago tuluyang nagsalita "I trusted Chelsea with my secrets tapos sayo lang pala siya aamin. What's next malalaman na nang family ko tapos ija-judge nila ako na parang may malala akong sakit - dahil lang..." anito na nangingilid ang luha

"Bakit mo naman iisiping ija-judge ka nila? Jaime, family mo sila higit kanino man sila ang unang makakaintindi sayo. Bakit hindi mo i-try na kausapin sila para naman makalaya kana. Ramdam ko kasi ang pagnanais mong ipakita kung ano ka talaga"

"H-Hindi mo naiinitindihan Iska"

"Isipin mo Jaime, masaya ka ba na itinatago mo ang tunay mong pagkatao?" ang tanong ni Iska

Umiling si Jaime.

"Yun naman pala eh. Ako, kahit nasaktan ako nang malaman kong wala pala akong puwang diyan sa puso mo, na kahit ano palang gawin ko ay mananatili lang akong si Iska na naging kaibigan mo - hanggang doon lang - pero kaya kitang tanggapin kung ano ang tunay na ikaw Jaime. Ang pamilya mo pa kaya?"

Naluluha pa din itong tumingin sa malayo pagkuwa'y nagsalita ito "I'm sorry Iska. Mas pinili ko talaga ang lumayo sayo noon dahil ramdam ko ang umuusbong mong pagtingin sa akin na hindi ko naman kayang tumbasan."

Basag ang boses na sumagot si Iska "H-Huwag mo nang isipin yon Jaime. I charge it to experience na lang. Saka masaya naman ako nung time na hibang na hibang pa ako sayo. Ibang klase kasi ang karisma mo eh hahaha"

Natawa na din ito sa sinabi niya "Salamat Iska!" pagkuwa'y sabi nito

"Walang anuman yon Jaime basta para sa kaibigan ko"

"Masaya ako na naintindihan mo ako. Pasensya ka na kung initchapwera kita noon ha. Alam mo naman na ang reason ko diba?"

Nakangiting tumango si Iska "Oo Jaime"

"Salamat talaga! Maswerte sayo si James kasi mabait ka na maganda pa. Kakainggit ka talaga babae ka!" anito na pumilantik pa ang daliri nang sabihin yon sa kanya

Namumulang tumingin si Iska sa kausap na si Jaime "Sira ka talaga! Friends lang kami non noh!"

"Gaga ka! Hindi lang friends ang turing sayo non at ikaw ramdam din kita kaya huwag ka nang magpanggap diyan! Kahit super crush ko yun eh ipapaubaya ko na siya sayo dahil alam kong mas liligaya siya sa piling mo. Basta happy ako para sa inyo."

Umiiling na natatawa na si Iska sa kaibigang si Jaime. Umaakto na kasi itong bakla sa harap niya.

"Oh ano pang hinihintay mo diyan? Puntahan mo na si James and for sure hinihintay ka na non" pagtataboy nito sa kanya.

"Opo! Sige aalis na ako! Yung sinabi ko ha! Kausapin mo ang family mo!"

Sumaludo pa ito sa kanya "Opo! Siya-siya larga na nang makarami" kumindat pa ito sa kanya

"Sayang ka talaga Jaime hindi man ako, eh ibang babae sana ang makikinabang sa kakisigan mong yan" ang sabi niya pa sa sarili habang palayo dito

***

"Nasaan si James, Flora?" ani Iska nang maabutan ang kaibigan na nagpapahinga sa shaded part ng campus habang kausap nito sa cellphone ang nobyong si Badong

"Wait lang babe ha, may naghahanap kasi sa nawawalang love life niya hahaha... Kausapin ko lang saglit" paalam nito sa kausap na nobyo sa cellphone

"Flora!" ang tawag ulit ni Iska dito

"Excited lang? Kita mong nagpapaalam pa ako saglit kay Badong eh" umikot pa ang mata nito, tanda na nainis ito

"Fine!" ani Iska "Nakita mo ba si James? Supposed to be wala din siyang klase ngayon diba?" patuloy niya

"Hindi ko alam. Try mo sa cafeteria" suhestiyon nito

"Sige salamat!" aniya sabay lakad pa puntang cafeteria

"Ay oh ano kayang meron?" ani Flora nang makita ang kaibigang natatarantang pumunta sa cafeteria

"Hayaan mo na ang kaibigan mong yan Flora at baka may narealize na finally kaya hinahanap si 'insan haha" ani Badong nang i-ayos na ulit ni Flora ang cellphone

"Hahaha sana nga babe sana nga! Matagal ko nang dasal yan eh!" ani Flora na kinilig pa

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon