-20-

287 10 0
                                    


"Wow pare-parehas kayong may laboy sa sembreak?" ani Chelsea ng malamang may kani-kaniyang lakad sina Iska, Flora at James

"Bakit ikaw ba wala?" curious na tanong ni Iska dito

Nasa loob sila nang classroom ng araw na yon at hinihintay na naman nila ang forever late nilang professor.

"Hay naku, tambay ulit sa bahay for the whole duration of sembreak. Boring man eh no choice ako, walang gala eh" anito

"Ay ayun lang. Next time tayo-tayo naman gumala, mas masaya yon" ani Flora dito

"Sige ha, asahan ko yan!" anitong halatang natuwa sa sinabi ni Flora

"Oo naman!" ang nakangiti pang sabi ni Flora dito

"Eh ikaw naman Jaime, san ka sa sembreak?" usisa naman ni Iska sa kadarating lang na si Jaime

"Tambay lang sa bahay." tipid na sagot nito "Eh kayo ba?" tanong naman nito sa kanila.

Sinabi ni James ang mga lakad nila.

"Buti pa kayo hehe. Igala nyo nalang ako - rather kami ni Chelsea" anito pagkarinig sa sinabi ni James

"Oo ba, pasalubungan ka pa namin, diba girls?" ani James na nanghihingi ng pagsang-ayon mula sa dalawa

"O-Oo... P-Papasalubungan naman namin kayo" sang-ayon ni Iska

"Yes!" ang masayang sabi pa ni Jaime "Salamat, salamat"

"Sus, wala yon. Kung pwede nga lang namin kayong isama kahit sa lakad namin nitong si Iska eh, kaso hindi talaga pwede" singit ni Flora

Lihim na pinandilatan siya ni Iska at tila sinasabi nito sa tingin pala ang katagang 'alam mong gayuma ni Impong Sela ang lakad natin tapos sasabihin mo kay Jaime yan? Nasaan ang utak mo?'

Kinindatan naman siya ni Flora na parang sinasabi naman nito na 'siya ang bahala'

"Eh bakit nga ba hindi pwede?" usisa na tuloy nitong si Jaime

Salamat nalang sa pagdating ng forever late nilang professor at hindi na kailangang sagutin pa ni Flora ang tanong na iyon ni Jaime.

***

Sembreak na din sa wakas. Kaya naman makikita ang magkaibigang Iska at Flora na lulan ng kotse ng huli.

Bumabyahe na sila papunta sa bahay ni Impong Sela.

Hindi magkamayaw ang galak na nararamdaman ni Iska pagkat ito na ang araw na pinakahihintay niya.

"Gosh, excited na akong makausap si Impong Sela mahingan ulit ng payo" ani Iska habang sa daan nakatingin, nakaupo siya sa passenger's seat katabi nang nagda-drive na si Flora.

"Payo ba talaga o mas effective na gayuma kamo ang hihingin mo sa kanya?" ani Flora na sa daan din nakatingin

"Payo o mas effective na gayuma... Basta kung anuman ang makakatulong para masolo ko na yang si Jaime"

"Eh paano pala friendship kung si Chelsea din pala ay may hawak na gayuma at yung hawak niya ay mas hamak na effective kesa sa hawak mo?" pangbubuyo pa ni Flora sa kaibigan

"Pwes, matira matibay! At titiyakin ko na sa akin mapupunta si Jaime at hindi sa kanya" magkasalubong ang kilay na sabi pa niya

"Tignan mo ikaw, kakaibigan mo yung tao tapos kung anu-ano sinasabi mo about her, bait mo rin eh noh?" lalo pang inasar ni Flora si Iska

"Excuse me lang ano, siya ang nakipagkaibigan sa atin. Pinapakitaan ko lang siya nang maganda alang-alang kay Jaime at sa sasabihin niya sa akin in case pakitaan ko nang kamalditahan yung kaibigan niya"

"Kaya naman pinaplastik mo ha?"

"Let's say ganun na nga, pero no choice talaga, iisa kami nang gusto eh" sabay buntong-hininga pa nito

"Hayaan mo na friendship, in case mapunta si Jaime sa kanya eh may reserba ka naman diba?" sumulyap pa ito sa kanya "Ramdam ko tuma-timing lang yon eh tapos aatake lang kapag pwede na hahaha" ani pa nito

"Florabel pwede ba tigilan mo na ako sa kakatukso mo sa amin ni James. Saka baka mamaya iniisip talaga ni Jaime na may something sa amin eh mas lalong mawalan ng gana yun"

"Kahit naman hindi niya marinig panunukso ko sa inyo ramdam ko kahit noon pa na wala talaga siyang gana sayo." seryosong sabi pa nito "Ako Francisca, nakiki-ride lang sa kabaliwan mo ha pero sa totoo lang hindi ko bet yang si Jaime para sayo. Isa pa, may something sila ni Chelsea diba? Baka nga mamaya wala ka nang lugar sa buhay niya nagsusumiksik ka lang dahil sa marubdob mong paniniwala na may pag-asa pa lalo na at may tulong ng gayuma ni Impong Sela"

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon