-37-

233 9 0
                                    




Nakabusangot na pumasok si Iska sa tent na nasa kaliwa. Ayaw man niyang makasama si James sa isang tent dahil una sa lahat girl siya at boy ito at pangalawa hindi naman sila mag-jowa pero wala naman siyang choice dahil nakapwesto na sa kabilang tent ang mag-nobyo. Pakiramdam naman niya, kung doon siya sisiksik sa dalawa eh baka maging scorer lang siya nang mga ito kaya sa ayaw man niya o sa gusto dito siya sa kabilang tent.

Naupo siya pagkapasok niya sa loob nito. Nakikiramdam kung papasok na ba si James sa loob ngayong siya ay nasa loob na.

Maya-maya, sumilip ito sa loob ng tent at kinausap siya "Huwag kang mag-alala Iska you can trust me" anito "Saka, dito nalang ako sa labas matutulog. Hindi naman malamok - malamig nga lang - but I can manage, may dala naman akong sleeping bag eh kaya okay lang" anito pa at ngumiti pa sa kanya "Huwag mong isiping sasamantalahin ko ang pagkakataong ito Iska" patuloy pa nito

"S-Salamat James" aniya dito "S-Sigurado lang o-okay ka lang diyan sa labas ng tent ha?"

"Oo naman. Huwag mo akong alalahanin" anito pa "Sige na matulog ka na"

***

Naalimpungatan si Iska sa lakas ng ulan sa labas ng tent. Naalala niya bigla ang nasa labas na si James.

Binuksan niya ang zipper ng tent na nagsisilbing pintuan nito at saka inilabas ang ulo at hinanap si James.

Nakita naman niya ito kaagad. Nasa hindi ito kalayuan at nakaupo sa buhanginan na natatakpan ng dahon ng puno na nagsisilbing bubong nito.

Hindi na nagdalawang-isip si Iska at tinawag na niya ito. "James!"

Lumingon naman ito sa gawi niya at ngumiti.

"Halika na dito sa loob ng makasukob ka. Baka magkasakit ka pa niyan eh" aniya sa nag-aalalang tono.

Nag-thumbs up pa ito sa kanya, tanda nang pag-kumpirma nito na 'okay lang siya doon'.

Tinawag niya ulit ito at kinawayan "James!"

Nang makulitan na sa kanya ay tumayo na ito at ipinatong sa ulo ang sleeping bag nito.

Nang makalapit na ito ay ipinagbukahan ni Iska nang husto ang zipper ng tent ng makapasok si James sa loob nito.

"Ayan kita mo basang-basa ka na tuloy" aniya dito nang tuluyan na itong makapasok sa loob "Sana ginising mo ako nung paumpisa pa lang ung ulan. Papapasukin naman kita eh kesa ganyang basang-basa ka nang ulan. Baka magkasakit ka pa lagot kami kay Impong Sela niyan" patuloy na sabi pa ni Iska na worried na worried na sa binata

"Ayos lang ako sabi Iska, huwag mo akong alalahanin. Para kaya akong si Superman. I'm the man of steel hehe" anito pa

"At nakuha mo pang mag-joke!" iiling-iling na sabi pa ni Iska "Sige na, magbihis ka na at baka matuyo pa sa katawan mo ang basang damit na yan eh lalo ka pang mapaano. Don't worry, 'pag nagpalit ka naman eh tatalikod ako" ngumiti pa siya sa binata.

"S-Sige!" pagkuwa'y sang-ayon nito.

***

"Oh ayan eh di maaliwalas na diba? Hindi na wet ang feeling mo" ang nakatawang sabi pa ni Iska sa binata nang makapagpalit na ito ng damit matapos na tumalikod siya at magpalit nga ito.

"Iska..." tawag nito sa kanya

"Hmmm bakit?" tugon naman ni Iska

"Ang pag-ibig pala hindi lang parang sunset at pagkain - para din pala itong ulan ano?" seryosong banat nito

"Nakupo, ayan na naman huma-hashtag hugot ka na naman. Tunay ngang nakaka-senti ang ulan haha" ang natatawang sabi pa ni Iska "Oh bakit para ding ulan ang pag-ibig?" pagkuwa'y sabi ni Iska sa kaharap na si James

Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita "Kasi dumarating siya nang hindi mo inaasahan - lalo na kung wala kang dalang payong" patuloy nito "Gaya nalang ngayon!"

"Unguarded moments kumbaga. Ganyan yata talaga ang pag-ibig, mahilig manorpresa." sagot naman ni Iska

"Kung halimbawang walang Jaime sa eksena, sa tingin mo ba magkakagusto ka pa sa iba? Sa taong nakilala mo nang hindi mo inaasahan, sa panahong hindi mo siya kailangan?" ani James.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon