-3-

603 16 0
                                    


"Hi Baby! Thanks for helping us ha!" ani Flora matapos na pagbuksan ng pinto ni Badong.

"Ang landi talaga! Wala pa ngang naitutulong ang lalaking hipon na ito sa amin eh maka-thank you na ang babaeng ito hmp!" ang bulong ni Iska sa sarili.

"Are you saying something Iska?" ani Flora pagkaraang maulinigan si Iska.

"H-Ha? Wala naman akong sinasabi ah!" pagmamaang-maangan pa niya.

"Ah Ok, para kasing nadinig kong may sinabi ka eh" ani pa nito at saka na muli hinarap si Badong "Badong baby, nabasa mo naman siguro sa text ko kahapon kung ano ang sadya namin nitong si Iska sayo ha" pagkaraa'y sabi pa nito sa kausap na lalaki sabay kunyapit dito.

"Ahem!" pagpapapansin pa ni Iska sa love birds na nasa harapan niya "Can we start na ba? Alam nyo eh sayang ang oras natin" ang patuloy niya.

"Sure! Sure!" ani Badong matapos na harapin si Iska "I'm Badong nga pala. Salvador Morales" ang pakilala nito sa sarili kay Iska "I remember you. BFF ka nitong si Flora diba? Nung nagwowork pa ako before sa kanila eh madalas kita makita" patuloy nito.

"Yup! I also remember you. Diba ikaw yung sinisante ni Tito dahil madalas niya kayong mahuli noon na naglalandian nitong si Flora?" ang tuloy-tuloy na sabi pa niya sa kausap matapos na tanggapin ang pakikipagkamay nito.

Napalakas ang tawa nito matapos na bitawan ang kamay niya "Nag-resign ako Iska at hindi sinisante".

"Do you think I will believe you?" nakataas ang kilay na sabi ni Iska "Huwag nga ako!" patuloy niya ng may halong pagtataray na.

"Ahm, can we start na ba? It's getting late na!" ang singit naman ni Flora.

"O-Okay! Bihis lang ako then samahan ko kayo kay Impong Sela".

***

"Nasaan ang larawan niya hija?" ani Impong Sela pagkaraang magpakilala ng dalawang babae at kung ano ang sadya nila dito.

"Ay ito po Impong Sela" ani Iska pagkatapos na ibigay dito ang larawan ni Jaime habang nakamata lang sina Flora at Badong.

"Sa nakikita ko sa mukha ng nobyo mo na ito" ani Impong Sela.

"Ay correction Impong Sela. Hindi niya pa ho jowa ang lalaking iyan kundi kinakarir pa lang kaso naunahan ng iba kaya ayan..." ang sabat naman ni Flora na ginantihan naman ni Iska ng masamang tingin.

"Que nobyo o hindi eh tutulungan pa din kita hija. Ibang tao nga natutulungan ko kayo pa kayang kaibigan nitong apo ko?" ani Impong Sela sabay ngiti sa apong si Badong.

"Ngayon palang po ay nagpapasalamat na ako sa inyo Impong Sela" ani Iska sabay hawak sa kamay nito.

"Naku hija wala iyon" ani pa nito sa kanya "Maiwan ko pala muna kayo sandali at mag-oorasyunan lang ako sa loob" patuloy nito.

"Lola mo ba talaga iyang si Impong Sela ha Badong?" ang usisa ni Iska makaraang makaalis ng matanda.

"Yup. She's my grandmother's sister" anito sabay pa-cute sa katabing si Flora.

"Ikaw talaga!" ang malanding sabi naman ni Flora sabay kurot sa matambok na pisngi nito.

"Ano ba kayo? Pati ba naman dito naghaharutan pa din kayo? Mahiya naman kayo kay Impong Sela" ang saway ni Iska sa dalawa.

"Naku, sanay na ako sa apo ko na iyan hija. Saka matagal na din sila nitong si..." ani Impong Sela na halata mong inaalala ang pangalan ng babaeng katabi ng apo niya pagkaraang lumabas mula sa loob.

"Flora po Impong Sela" ani Badong.

"Ah ayun nga. Matagal na din sila nitong apo ko. Noon pa sila ganyan pinababayaan ko nalang kasi nga mga kabataan" ani Impong Sela.

Sasagot pa sana si Iska at sasabihing anong klaseng Lola siya kung hindi niya masuheto ang apo nang iabot sa kanya ni Impong Sela ang isang maliit na bote na may lamang langis.

"Ito na Iska ang solusyon sa problema mo sa pag-ibig!" ang nakangiting sabi pa ni Impong Sela matapos na abutin niya ang bote mula dito.

"Gaano po ka-effective iyan Impong Sela?" ang pag-uurirat pa din ni Flora kahit na ito ay nakikipagharutan pa din kay Badong "Kaya po bang ibalik ng langis na iyan ang loob ni Jaime kay Iska?".

Tumingin muna si Impong Sela kay Flora saka humarap na muli kay Iska "Alam mo hija, kahit gaano ka-in love yang lalaki na iyan sa iba eh mababaling na muli ang pagtingin niya sa iyo maniwala ka. Proven na iyan, marami na akong natulungan na ganyan din ang kaso".

"Oo Iska, malupit gumawa ng gayuma ang Impong Sela ko. Takbuhan siya ng halos lahat dito pagdating sa pag-ibig" singit naman ni Badong.

"G-Ganon po ba?" ani Iska "P-Paano po ba ang dapat kong gawin sa langis na iyan?".

"Kailangan mo lang ihalo ang isang patak ng langis na ito sa ipapaligo mong tubig sa loob ng labing-dalawang araw".

"P-Pagkatapos po ay ano na ang mangyayari?" curious na usisa pa niya sa matanda.

"Malalaman mo hija sa pagpatak ng ika-labing tatlong araw".


Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon