-49-

213 7 0
                                    


"Ano yon James?" ani Iska "May napansin ka saan?"

"Ibalik mo nga dun sa sim folder" ani James

"Bakit ano meron don?" usisa naman ni Flora na hindi na pinansin pa ni James

Ibinalik nga ni Iska sa sim folder at mula doon ay napansin nila na dual sim pala ang cellphone na gamit na iyon ni Jaime. Isang number nito na kalat sa klase nila at ang isa ay tila bagong number nito.

"Ilipat mo nga sa 2nd sim Iska. Baka diyan ay may makita na tayo" si Flora na nakikiusisa na din sa cellphone

Inilipat nga ni Iska sa 2nd sim ang cellphone ni Jaime.

Habang naglo-load ito ay tila hindi humihinga ang grupo.

Maya-maya ay bumukas na ito.

"Ayan na!" ani Flora "Check mo na sa messages Iska"

"Saglit lang" ani naman nito

Nang mabuksan ang messages feature ng cellphone ay tumambad aa kanila ang hindi mabilang na palitan ng messages nito - bilang si Jenny - at ni James.

"Oh shit!" ang nabiglang bulalas ni Flora "Si Jenny at Jaime at iisa pala"

Makikitang napapailing si James "Kaya naman pala ayaw magpakita nang personal niyan eh may itinatago pala"

"Bakit naman of all people si James pa? Ano kaya ang plano nitong si Jaime?" si Flora ulit

"Baka ano, gusto niya lang makilala nang husto si James kasi..." ani Iska

Nakatingin naman sa kanya ang dalawa na tila hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Kasi?..." ang hindi nakatiis na tanong ni Flora sa kaibigan

"Kasi... Nagseselos siya kay James at tinitiyak lang niya na nasa mabuti akong mga kamay kapag wala siya sa tabi ko" ang tuloy-tuloy na sabi pa ni Iska

Inirapan lang siya ni Flora "Sa palagay mo ba nagseselos yon dito kay James ha? Ni wala ngang pakialam sayo yon eh. Saka tignan mo nga yang gayumang gamit mo, ayaw siyang talban. Tsk, gumising ka nga Iska!" sabi pa nito na naiirita na sa kaibigan

Nakapameywang na sumagot naman si Iska sa sinabing yon ni Flora "So what are you implying now?"

"Enough girls!" singit naman ng naguguluhan na ngayong si James "Walang mangyayari kung magbabangayan kayo. Ang kailangan natin ngayong alamin ay kung bakit nagpapanggap siyang si Jenny"

***

Kinabukasan...

"Jaime, pinaaabot ni Ateng serbidora kahapon. Naiwan mo daw sa cafeteria" ani Iska nang makalapit na ito sa kadarating lang na si Jaime

Nang maghiwa-hiwalay sila kagabi nila Flora at James ay sinigurado nilang naibalik nila sa dati ang set-up nang cellphone nito para hindi ito maghinala na may ginawa silang kung ano dito at manatiling lihim ang pagpapanggap nito bilang si Jenny.

Sinadya pang idikit ni Iska ang kamay niya sa kamay nito nang i-abot niya ang cellphone nito. Ika-siyam na araw ngayon ng paggamit niya nang gayuma kaya wala na siyang inaksayang pagkakataon upang mahawakan ito.

"Naku salamat Iska. Hinahanap ko nga yan kahapon. Isip ako nang isip kung saan ko naiwan eh." anito sa kanya sabay kuha nang cellphone mula kay Iska "Sa cafeteria lang pala. Buti sayo iniaabot ni Ate"

"Ah oo, madalas daw niya kasi tayong makita noon na magkakasamang tumatambay doon eh" aniya dito "Pero ayun nga kahapon kayo lang ni Chelsea at nakita niya at tila nagmamadali pang umalis" patuloy niya dito

Iniiwas ni naman Jaime mata niya sa nang-uusig na tingin ni Iska.

"K-Kuwan kasi... M-May emergency kahapon kaya nauna na kaming umalis" anito na umiiwas pa din ng tingin

"Galing naman ng emergency na yan, sakto sa oras ng usapan natin ano?" medyo sarcastic pa ang pagkakasabi niya dito "Anyway, balik na ako sa pwesto namin. Magpasalamat ka din ng personal kay Ateng serbidora ha. Nagmagandang-loob siyang ibalik yan sayo" at nagmartsa na siyang pabalik kina Flora.

Pagbalik niya ay ikinwento niya nang pabulong ang usapan nila ni Jaime at kung paano ito umiwas ng tingin sa kanya, ayaw niya kasing may ibang makarinig na kaklase nila sa sikretong usapan nila na yon.

"Obvious naman kasing nagmamadali talaga silang umalis kahapon" kumento ni Flora

"Oo nga! Kasi kung hindi eh 'di dapat inabutan natin sila diba?" si James

"Hayaan nyo guys, susukulin ko yang si Jaime after ko siyang magayuma. Isang araw na lang at mahuhumaling na din yan sa ganda ko" ani Iska na tila nangangarap

"Galing din ng 'transformation' mo ano? After mong ipakita sa kanya ang ngitngit mo kanina matapos na takasan nila tayo sa cafeteria kahapon eh eto ka ngayon at nangangarap ng gising na 'pag natapos mo na ang ritwal ay mahuhumaling na siya sayo" si Flora na may pang-uuyam pa sa tono "Can I say 'in your dreams, Iska'? Kita mo nga't nagpapanggap na siyang si Jenny tapos code nya sa cp birthday ni James. Tapos yang gayuma mo hindi tumatalab-talab sa kanya - then eto ka pa din Iska na walang sawang umaasa na magkakagusto pa din siya sayo? Girl, gumising ka nga!"

"Ikaw na din ang nagsabi noon na magaling gumawa nang gayuma si Impong Sela kaya bakit ako mawawalan ng pag-asa? Saka huwag mo namang husgahan si Jaime ng basta-basta - hindi pa natin alam ang tunay na istorya kung bakit nagkaganun ang lahat tapos eto ka ngayon iniisipan mo siya nang kung anu-ano!" ang naiinis ng sabi ni Iska sa kaibigan sabay walk out nito

"Tignan mo yang Iska na yan nagkakaganyan dahil lang sa pesteng Jaime na yan!" ang naiinis na ding sabi nito kay James

"Pabayaan mo na muna siya Flora" anito naman "Hindi pa din talaga mag-sink in sa kanya na may mali sa lalaking gusto niya"

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon