-34-

277 9 0
                                    


"Yes, we're finally here!" ani Flora pagdating nila sa resort "In fairness ha, not bad for a camping site. Although, mas prefer ng ibang mga guests na sa room mag-stay mas gusto ko pa din sa tabing dagat at magtayo nang tent doon" anito pa

"Adventure kasi hanap mo babe kaya ganon." ani Badong na inakbayan pa ang nobyang sayang-saya sa ganda ng resort na yon.

"Oo, kakahanap ng adventure niyan kung anu-ano tuloy nangyayari sa atin" singit ni Iska

"I know it's my fault pero masisisi mo ba ako friendship eh bihira natin gawin ito. Pagbalik natin sa Maynila back to normal na naman ang buhay natin" sagot naman ni Flora

"Oh eh di ipagpatuloy natin yung ganito - yung pagba-bonding - kahit nasa Maynila na tayo." ani James na nakalapit na din sa kanila

"Sabagay nga! Saka nangako nga pala tayo kanila Jaime na magkakaron tayo nang gala" ani Iska "Haist, kumusta na kaya siya?" patuloy nito nang maalala si Jaime

"Hainaku, kesa iniisip mo yung wala naman dito eh halika na at ayusin na natin yung tent para bago mag-sunset eh naka-ayos na tayo" ani Flora na sumulyap pa kay James na ngayon ay nakasimangot na "Saka aanhin mo pa yang Jaime na yan kung may lucky charm naman sa tabi mo?" patuloy pa nito

"Sus, umarya ka na naman Florabel" ani Iska "Tara na nga't mag-ayos ng matapos na tayo"

Malungkot na sumunod si James sa kanila. Kanina lang nung mayakap niya si Iska ang liga-ligaya niya, alala niya yun na ang simula nang masasaya niyang araw kasama si Iska yun pala ay si Jaime pa din.

***

"Ayan, natapos din tayo sa wakas" ang masayang sabi pa ni Iska

"Nice! We're now ready to watch the sunset and take pictures as well" ani Flora

"Hindi na ba muna tayo kakain ng hapunan?" ani Badong na humawak pa sa tiyan na

"Pagkatapos na natin makuhanan ung sunset hehe" si Flora ulit

"Ah okay. Tapos saan naman tayo kakain?" si James na nahawa na sa gutom ni Badong

"Ayokong magluto-luto tayo dito saka baka bawal din" si Flora

"Tama! Tikman natin ang putahe nila dito, for sure masasarap yan kasi nga resort ito" natatakam na sabi ni Iska

"Hindi tayo sa resort kakain, kakapusin tayo nang budget, entrance pa lang dito ang mahal na eh." si KJ na Flora "Gagawin natin alam nyo, bibili tayo nang pagkain sa labas ng resort - may karinderia akong nakita doon kanina - doon tayo bibili" ani pa nito

"Nakakawala naman ng gutom yan" si Badong na kakamot-kamot pa nang ulo

"Eh much better kung ganun kasi kami nalang tatlo kakain hehe" si Flora ulit

"Joke yon syempre!"

"Walang joke-joke hahaha" at nagsimula nang magpahabol ni Flora sa nobyo

"Tignan mo 'tong mga 'to manonood daw ng sunset naglandian naman bigla" si Iska na nakasimangot na

"Hayaan mo na, tayo nalang ang manood ng sunset. Oh, ihanda mo na yung camera mo para makarami tayo nang kuha" ani pa ni James

Naghanap ng magandang pwesto sina Iska at James kung saan mas makukunan nila nang maganda ung sunset.

Sina Flora naman at Badong ay naghaharutan pa din sa 'di kalayuan.

"Ang pag-ibig pala ay parang sunset." ani James ng maupo na sila sa buhanginan at tapat na tapat sa papalubog na araw

Napatingin naman si Iska sa katabing si James sa sinabi nito na para bang hinihintay ang susunod na sasabihin pa nito.

"Para siyang sunset kasi nandiyan naman siya everyday pero minsan mo lang mapansin" anitong sa papalubog na araw nakatingin

"Kasi po, hindi naman sa lahat ng pagkakataon kapansin-pansin siya. May specific place lang talaga na maagaw niya atensyon mo" ani Iska na sa palubog na araw na din nakatingin "Gaya nalang dito sa beach, diba?"

"Kaya ba dito mo lang ako napapansin Iska? Kasi 'pag sa araw-araw na buhay mo, iba naman ang nakikita mo kahit nasa harap mo na ako palagi" ani James sa sarili. Gusto man niyang isatinig ito ay mas pinili na lang niyang manahimik.

"Teka nga muna James, ba't huma-hashtag hugot ka diyan ha?" ang natatawa nang sabi pa ni Iska "Akala ko ulan lang ang nakaka-senti, pati na rin pala ang sunset" patuloy niya.

Mapait na natawa si James at sa isip-isip ay "Kailan mo kaya ako mapapansin Iska?"

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon