-7-

480 16 1
                                    


"Hi Iska!" narinig niyang bati sa kanya ng pamilyar na boses na iyon. Ramdam niya ang presensya ng lalaking nagsalita mula sa likod ng inuupuan niya.

Nag-angat naman ng ulo si Iska pagkarinig sa lalaking bumati sa kanya mula sa pagkakayuko.

"H-Hi Jaime!" aniya sa malapad na ngiti "N-Naligaw ka yata sa klase ko" patuloy niya

"Wala naman! Naisip lang kitang kumustahin." anito

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito matapos kasi ang mahigit 4weeks ay eto ngayon si Jaime sa harap niya.

Teka, di yata't ito na ang epekto ng gayuma ni Impong Sela? Naku, nakakatuwa naman! 9 days palang niya nagagamit ito ay tila yata effective na agad. Mas na-excite tuloy siyang malaman kung mas higit pa sa dito ang kalalabasan matapos ang ika-labing dalawang araw. Kinilig tuloy si Iska sa naisip.

"G-Ganun ba? Mabuti naman ako! I-Ikaw kumusta kana? K-Kayo ni Chelsea?" aniya na iniiwas ang tingin matapos na banggitin ang kaibigan nito.

"Mabuti naman kami. We're good actually" anito sabay ngiti.

Medyo nasaktan siya sa sinabi nito. Expected pa naman niya ay sasabihin nitong "we're good... friends" waahhh nauungusan na talaga siya ng mukhang paang si Chelsea.

"E-Eh mabuti pala. B-Bakit ka nga pala naligaw sa klase ko?" aniya dito.

Sa isang klase sa umaga lang kasi sila nagkakasabay na tatlo - apat actually, kung isasama si Flora sa bilang - at sa iba'y hindi na. Irregular student kasi siya gawa ng pagsa-summer class niya kaya unti-unti natatapos na niya ang ilang minor subjects niya.

"Wala naman, aayain lang sana kitang mag-merienda. K-Kayo ng bago mong kaibigan" anito sa malapad na ngiti.

"B-Bagong kaibigan? Meron ako non?" matamang nag-isip si Iska kung sino ang tinutukoy nito.

"Maang-maangan talaga Iska?" ang natatawang sabi pa nito "Gusto ko lang naman siyang makilala ng mabuti in case maging sobrang close kayo?".

"Huh? May ganon factor talaga Jaime ha?" ang natatawang sabi pa niya dito "But honestly wala talaga akong maalalang new friend ko".

"Sige kung ayaw mong aminin haha" anito sa malapad na ngiti "Just in case gusto mo siya ipakilala sa amin ni Chelsea ng personal just let us know. Cancel namin lahat ng appointments namin".

Nagtataka man bakit interesado itong makilala ng lubusan ang sinasabi nitong bago niyang kaibigan ay nagpuyos na naman sa selos ang loob niya ng banggitin nito ng walang kagatol-gatol ang pangalan ng mukhang paang babaeng iyon.

"Okay if you say so!" aniya sa walang ganang tono "Sige na. May next class pa ako eh" ang pagtataboy niya dito.

Ngumiti lang ito sa kanya at umalis na.

***

"Hi Iska!" ani James ng makita siyang palabas sa huling klase niya ng araw na iyon "Pwede ba akong sumabay sayo pauwi?" ani pa nito.

"Wala akong car so paano ka sasabay sa akin? Nakiki-hitch nga lang ako eh" ang mataray na namang sabi niya dito.

"Galit ka ba sa akin? Nag-sorry na ako kanina diba?" ang malungkot na sabi nito sa kanya.

Nakunsensya naman bigla si Iska sa itsura ni James. "Hindi ako galit sayo okay? Nagkataon lang siguro na bad mood ako kanina" aniya dito.

Malapad ang ngiting pinakawalan ni James pagkarinig sa sinabing iyon ni Iska "Salamat naman kung ganun, akala ko kasi simula palang nagalit ka na sa akin eh".

"Wala na iyon. Oh paano, I'll go ahead na!" paalam niya dito.

"I-Iska!" ang tawag nito sa kanya ng akma na siyang lalakad palayo "P-Pwede ba akong sumabay sayo? Ay rephrase pala natin" ang kakamot-kamot sa ulong sabi niya "Pwede ba kitang isabay?" anito pagkatapos.

"Haha isabay sa paglalakad? Sige okay lang. Baka sabihin mo naman ang mean-mean ko sayo"

"Actually, I brought my car. Wanna hitch? Hatid na din kita sa bahay nyo kung hindi naman kalabisan sayo" ang nakangiting sabi nito sa kanya.

Matamang tumingin si Iska sa lalaking kausap.

"What? Bakit ganyan ka makatingin? Mukha ba akong nagbibiro na may car ako?".

"Tange, hindi iyon." anito sa natatawang tono "Sa tingin mo ba pagkakatiwalaan kita agad-agad eh kakikilala lang natin?".

"Ay..." kakamot-kamot sa ulong sabi nito "Sige, hindi na kita pipilitin. Basta sana minsan makasabay naman kita o kahit maihatid man lang" patuloy nito sa sinserong tono.

Tumango lang si Iska at tipid na ngumiti dito.

"Eh Iska, pwede bang kahit sa sakayan man lang ay maihatid kita?" pakiusap nito.

Tumango na muli si Iska, tanda ng pagsang-ayon dito.


Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon